^

PSN Showbiz

PBB Celebrity Housemates, malapit nang mabuo!

Pilipino Star Ngayon

Aapaw na ang kulitan at chikahan tungkol sa papalapit na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 dahil magsasama araw-araw sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros para sa PBB Kumulitan show sa Kumu.

Ibinalita ni Bianca sa PBB Kumulitan noong Lunes na malapit na raw mabuo ang line-up ng official celebrity housemates na unang papasok sa bahay ni Kuya.

Pero bago sila ipakilala sa publiko, kailangan mag-quarantine ang mga napiling housemates at dadaan sila sa psychological, physical, at COVID-19 tests upang mahirang na official celebrity housemates.

Samantala, natapos na ang Online Bahay ni Kuya sa Kumu para sa Kumunizens na may bronze at silver badges na maaaring maging celebrity housemate. Mula sa top 50 livestreamers pipiliin ang dalawang magiging official celebrity housemates ni Kuya.

Sino kaya ang mga sikat na personalidad ang magiging bagong celebrity housemates ni Kuya?  Abangan ang updates sa PBB Kumulitan online show mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m. sa Facebook at Kumu account ng Pinoy Big Brother. Tutok din tuwing weekend kasama si Sky Quizon ng PBB Otso.

Alden, pangungunahan ang selebrasyon ng 20 years ng TM!

Wow, dalawang dekada na palang kasama ng mga Pilipino ang TM na parating nakakatulong para maging konektado sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay nasaan man silang parte ng bansa.

Ngayong taon, bongga ang mga papremyo at good vibes ng TM para sa  subscribers at users nito bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga ito.

At kabilang ang isang malaki at masayang online event sa TM Tambayan Facebook Page,  6:00 p.m. ng Oct. 5, 2021 ang magaganap na pinamagatang TM Doble Dekada Piyestang Pina-Easy!

Abangan ang performances ng mga ka-TM na sina Alden Richards, Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Riva Quenery, SB19, The Juans, Silent Sanctuary, Matthaios, at Parokya ni Edgar at host naman sina Baninay Bautista at Luigi Pacheco.

Dapat ding tumutok para malaman ang mga masuwerteng nagwagi ng P2M o isa sa dalawang mananalo ng P500K FunKabuhayan package! Meron ding mga iba’t-ibang palaro at papremyo sa online event. “Ginawa namin talaga ito bilang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta at gumagamit ng TM sa loob ng 20 taon,” sabi ni Darius Delgado, Vice President para sa Consumer Business ng TM. Idinagdag pa niya “Asahan ninyong itutuloy namin ang maraming murang serbisyo tulad ng unli calls and texts, mobile data at iba pa.”

Pumunta lamang sa bit.ly/TMPiyestangPinaEasy para sa iba pang impormasyon tungkol sa TM Doble Dekada Piyestang Pina-Easy.

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with