^

PSN Showbiz

Max, nagsalita sa totoong relasyon nila ng asawa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Max, nagsalita sa totoong relasyon nila ng asawa
Max.

Consistent si Max Collins na wala silang problema ng mister niyang si Pancho Magno.

Matagal-tagal nang maraming curious kung ano ba talagang status nila bilang lagi na silang magkahiwalay sa mga posting nila at ang anak nilang si Skye lang ang laging nakakasama nila kahit nung nag-one year ang anak nila.

Pero ayon kay Max, ayos ang pagsasama nila.

Sa katatapos na media conference ng To Have And To Hold, sinabi ng aktres na aprubado ni Pancho na ma­ging priority niya ang career kaya nagpapasalamat siya sa asawa at kanya-kanya raw sila ng branding sa kanilang career. Tanggap din nila kung pinag-uusapan man sila dahil sila lang daw ang nakakaalam kung ano talagang nangyayari sa buhay nila.

Meanwhile, gagampanan ni Max ang character ni Dominique sa To Have And To Hold – a successful interior designer who is smart, an alpha female, has a high sense of worth, and doesn’t like being taken for granted sa To Have And To Hold.

Max reveals that in some ways, she relates to her character. “Dominique is brave and confident, but at the same time, she has many flaws and is trying to find herself. I can relate to her in those aspects,” she quipped. “It’s the first time I’ve ever over-prepared for a role. I embraced every part of her, the good and the bad,” aniya pa sa ginanap na media conference three days ago.

Aside from Max, bida rin sa ina­yawang serye ni Derek Ramsay sina Carla Abellana and Rocco Nacino na magsisimulang mapanood sa Sept. 27, weeknights, right after Legal Wives, on GMA Telebabad.

Regine, niresbakan ang mga walang utang na loob na nanood ng kanyang concert

Hindi nakapagpigil si Regine Velasquez sa mga namimintas sa kanilang ‘free concert’ ng husband niyang si Ogie Alcasid sa kanyang YouTube channel.

Nakikinood na nga lang maman, namimintas at ang the height pasimuno pa sa pagpo-post sa social media.

Tweet ni Songbird : “Disclaimer; yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!!  Para ang laki nag binabayad nyo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walang basagan ng trip!!!! (Pouting face).”

Though majority sa nanood ang pumuri sa mag-asawa pero may ilan talagang papansin at raket na ang mamintas.

Full setup ang ginagawa nina Ogie at Regine kahit free concert ‘yun.

 

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with