^

PSN Showbiz

Jake, tinuruan ng amang si Erap na sikuhin ang leading man

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake, tinuruan ng amang si Erap na sikuhin ang leading man
Jake Ejercito.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napasabak si Jake Ejercito sa isang teleserye. Sa lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Kabilang din si Jake sa bagong proyekto kaya aminadong naninibago ang aktor. “Considering that it’s my first teleserye, it’s like being on a brand new planet for me. Everything’s new, and undeniably the first few days, the jitters were there. Nangangapa pa the first few taping days. I’m so blessed to be part of this project with such an amazing cast. Everyone from the directors to everyone behind the camera, everyone’s been so encouraging and supportive. Siguro kung may isang lesson akong natutunan, I got this from Ms. Pie (Picache) and Ms. Sunshine (Dizon), it’s to be real and true to your character,” pagbabahagi ni Jake.

Anak ang binata ng dating Pangulong Joseph Estrada at aktres na si Laarni Enriquez. Bago magsimula ang taping ay pinayuhan pa raw si Jake ng ama kung ano ang mga dapat gawin sa trabaho. “He has given me a lot of advice. One is to always use your eyes to express and siyempre si daddy 1960’s, 1970’s pa siya. So medyo old school din ‘yung mga advice sa akin, minsan sasabihin niya, ‘Kaibiganin mo ‘yung mga ca­meraman para maganda ‘yung anggulo mo. Or sikuhin mo ‘yung leading man para medyo umangat ka ng konti.’ Very old school,” natatawang kwento ng aktor.

Ayon kay Jake ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang kanyang mga gagawin sa serye. Para sa aktor ay talagang maganda ang kwentong matutunghayan ng mga manonood sa kanilang programa. “Without giving away too much, I start off as BFF ng character ni Paulo and I also work for him in his tech company. Hanggang dumating ‘yung character ni Janine and then medyo mate-test ‘yung friendship namin ni Paulo. And I guess the rest kailangan n’yo na lang abangan,” pagtatapos ng binata.

Giselle, may paalala sa mga batang babad sa gadget

Bilang isang ina at may-bahay ay mayroong payo si Giselle Sanchez sa lahat upang makaiwas sa kalungkutan o pagkabalisa ngayong panahon ng pandemya. “Kailangan talaga na active tayo at marami tayong ginagawa because there’s a saying that devil’s playground is an idle mind. Ibig sabihin, kung wala kayong ginagawa, diyan bumubulong ang kalaban natin ng kung anu-ano that will cause you anxiety kaya kayo nagiging anxious. ‘Yung ‘Oh, wala ka ng pera, ano na ang mangyayari sa iyo? Wala ka ng trabaho, ano na ang mangyayari sa iyo?’ Kung anu-anong bulong ng kalaban, at doon po kayo magkakaroon ng worries, kaba ng dibdib. Kaya kailangan po mas busy tayo, magpaka-busy tayo,” paliwanag ni Giselle.

Para sa komedyana ay kailangan ding limitahan ang mga anak sa paggamit ng gadgets. Mabuti raw ang nag-iingat dahil mayroong hindi magandang naidudulot ang matagal na paggamit ng gadgets. “Ang dami-daming nagkakasakit. Mayroon pa akong kaibigan na nurse. Ang anak niya nagkaroon ng parang epileptic attack. Kasi wala siyang ginawa kung hindi mag-gadget. Kapag mayroon kayong lahi ng epilepsy, nagti-trigger pala ‘yon sa brains ng mga bata. Tapos nagka-epileptic attack ‘yung bata. Mag-iingat po tayo, i-schedule natin ‘yung mga online ng mga bata. Huwag buong araw, dapat i-limit,” pagpapaalala ng aktres. Reports from JCC

 

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with