^

PSN Showbiz

Beauty may kilig kay Kelvin

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Beauty may kilig kay Kelvin
Beauty at Kelvin.

May kilig ang trailer ng unang pagtatambal ng Kapuso stars na sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda para sa upcoming mini-series nilang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette na dinirek ni Adolf Alix.

Ito ay kuwento ng anulled na si Bridgette (Beauty) na magkakaroon ng karanasan sa pakikipaglandian sa isang mas batang lalaki na ginampanan ni Kelvin.

Pero hindi matatapos sa kanilang summer fling ang lahat dahil magkikita sila pagdating sa siyudad bilang isang guidance counselor si Bridgette sa university kung saan isang pre-med student si Marcus.

Maging si Beauty ay ramdam daw ang kilig nang mapanood niya ito sa ilang previews and short clips ng kanilang mini-series kung saan meron silang kissing and love scenes. “Nakakatuwa! Actually, nagulat nga ako kasi napanood ko na ‘yung konting rushes sa mga promo natin. Nagulat ako na may kilig. Ako, kinilig ako. Siyempre ‘pag nasa taping hindi ko na napapansin masyado,” pag-amin ni Beauty sa ginanap na media conference nito the other night. Ito bale ang first project niya bilang isang Kapuso.

Dagdag niya pa : “I’m very lucky that our director, si Direk Adolf, works with me and Kelvin is also open to learning new things. Everyone is helping us to make the scene work and may kilig talaga.”

Hindi raw kasi pwedeng silang dalawa lang ng Dead Kids actor. “Parang ang natural lang. Ang gaan-gaan. Sobrang saya lang noong flow, sobrang natural na natural. Kinilig ako,” sabi pa ng actress na dating Kapamilya pero napanood din sa mga programa ng TV5 bago nag-decide na pumirma ng kontrata sa GMA 7.

Thankful din si Kelvin kay Direk Adolf dahil tinulungan daw talaga sila nito sa mga eksena para mas lalo pang mapaganda. “Nandiyan naman si Direk to guide us, lalo na ako kapag medyo may hindi ako naiintindihan sa eksena, nagtatanong naman ako sa kanya.”

Papuri naman nito kay Beauty : “Si Beauty naman nandiyan naman talaga siya to support me sa mga eksena na medyo nalilito ako. Ine-explain na rin sa akin kung paano ‘yung dating sa isang babae kung papano ko siya i-deliver. Nagko-collab naman kami together so ‘yun po ‘yung pinakanagamit namin para makuwento nang maayos ‘yung pagtatambalan naming dalawa.”

Mag-uumpisang mapanood ang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, simula Sept. 13, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Pero bago ito, muling patutunayan ng Kapuso actor ang kanyang husay sa pag-arte sa fresh episode ng award-winning anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, Sept. 11.

Bibigyang-buhay ni Kelvin ang kwento ni Kim, isang matalino subalit pasaway na iskolar na gagawin ang lahat maiahon lang sa kahirapan ang kanyang pamilya. Makakasama rin sa episode sina Rita Avila bilang Nanay Cecilia, Prince Clemente bilang Jun, at Sophia Senoron bilang Marian.

Samantala, also starring din sa Miss Bridgette sina Noel Colet, Polo Ravales, Lloyd Samartino, and Nikki Co.

   

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with