^

PSN Showbiz

Lorna, wala nang kinikimkim na galit sa pagpatol ni Rosanna kay Daboy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna, wala nang kinikimkim na galit sa pagpatol ni Rosanna kay Daboy!
Lorna

Wala na sa puso ni Lorna Tolentino ang galit at pagkimkim ng sama ng loob, lalo na’t nasa pandemya pa tayo ngayon.

Bago pa man siya nagbiyahe pa-Ilocos para sa lock in taping ng Ang Probinsyano, aware na ang grand slam actress na kasama na si Rosanna Roces sa naturang teleserye ni Coco Martin.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.

Hindi na ito isyu sa kanya. Ngayon ka pa raw ba mag-emote na pandemya at sobrang tagal na raw ng isyu nila noon?

Text lang niya sa akin nang tinanong ko siya; “Past is past. Tayo ay magpatawad. Masaya na si Daboy sa langit.”

Sa pagkakaalam ko ay nung nakaraang Linggo lang sila nagkita sa set, at iyun nga siguro ang ikinuwento ni Rosanna kay Ogie Diaz na nagkita sila, nagyakap at nakahingi raw siya ng sorry.

Tinext ko noon pa si Lorna, nung araw na nagkasama sila sa isang set. Sabi lang ng aktres; “Tayo ay nabubuhay sa ngayon at bukas. Yung bukas nga ang hirap na. Peace (peace emoji) to make the world a better place.”

Pagkatapos nilang magkabati sa set ay hindi na nagkuwento sa akin si Lorna.

Mukha namang nagi-enjoy siya sa matagal-tagal na pagka-lock in niya sa Ilocos, kaya panay ang post niya ng mga magagandang tanawin na nakukunan niya sa hotel kung saan sila naka-check in.

Ang gaganda ng exotic animals na nakikita niya roon, kaya siguro kalma na rin ang isip niya.

Kamakalawa lang ay nag-post siyang nagsi-swimming. Mukhang naka-hold muna ang taping nila roon dahil may narinig akong may ilang staff na nag-positive sa COVID-19 nang magpa-reswabbing silang lahat.

Kaya pinagpahi-nga muna silang lahat, habang inaayos ang ilang nagkasakit.

Dalawang young star sa lock-in tinuhog ang isang hunk actor

Nakakaloka ang kuwentuhan sa isang group chat ng mga fans at ilang taga-TV network tungkol sa drama nga young stars na nagkasama sa isang lock in taping.

Itong si gwapong aktor na hunk ang dating na may girlfriend pang aktres nung panahong iyun ay kina-lantare ang dalawang young actress na kasama niya sa trabaho.

Ang young actress na una niyang nilandi ay may pagka-hot at ang isa naman ay may pagka mahinhin, mabini at santa-santita ang dating.

Pareho nilang natikman si guwapong aktor.

Itong si mahinhing young actress ay todo kapit kay guwapong aktor kaya ang ending naging sila na. Break na rin naman si guwapong actor sa dati niyang girlfriend.

Matagal nang tapos ang teleseryeng na-tape nila, at natuloy sa isang magandang relasyon itong kina guwapong aktor at mahinhing young actress.

Iyung isang young actress naman na tinuhog din ni guwapong aktor ay masaya na sa bago niyang boyfriend. Parang nakitikim lang siya kay guwapong aktor, walang commitment. Nakakaloka dahil parang ang normal na sa mga kabataang artistang ito ang makipag-sex nang ganun ganun na lang.

Parang mahalaga ang sex sa kanila, at kapag nagkasawaan na tapos na ang relasyon. Ayun nag-unfollow na lang sa kanilang social media account.

Mabilis nagkadebelopan, ang bilis ding nagkasawaan.

Alden, nasa all-out na uli

Bagong episode ang mapapanood ngayong tanghali sa All-Out Sundays.

Ang isa sa aabangan ay sa Signed and Sealed segment nila na kung saan magsasama ang mga TDMD talents o Talent, Development Management Department ng GMA 7 na pangungunahan ni Alden Richards.

Kaya back to AOS na rin si Alden pagkatapos niyang di makasali nang matagal-tagal dahil sa lock in taping sa The World Between Us.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with