^

PSN Showbiz

Allan K., magbubukas ng bagong resto

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Allan K., magbubukas ng bagong resto
Allan K.
Allan K.

MANILA, Philippines — May bagong restaurant si Allan K. Bukod ito sa Japanese resto niya sa Morato Avenue, QC.

Sa Las Piñas daw ang bagong resto ni Allan. Pinangalan niya itong Zirkulo na obviously mula sa nagsarang comedy bar niyang Zirkoh.

Nagkaroon na ito ng food tasting at ayon kay Allan sa kanyang Instagram account eh successful ang naganap na food tasting.

Wala pa kaming ibang detalye kung anong food ang ihahain ng Zirkulo. Pero may dine in daw dito. Bawal pa nga lang ngayong modified enhanced community quarantine ang dine in at al fresco dining.

Kahit naapektuhan ang malaking negosyong comedy bars, hindi pinanghihinaan ng loob si Allan para sumuko ngayong pandemya, huh!

Ate guy, inaasikaso ang mga lupain sa Bicol

Bumiyahe pala sa Bicol si Nora Aunor nitong nakaraang mga araw. Wala siya rito nang mamatay si Albert Sunga na naging malapit din kay Ate Guy at sa mga anak niya.

Mula sa Bicol si Ate Guy bago nadiskubre ang galing sa pagkanta at eventually sa pag-arte.

Pero isang malapit sa kanya ang nagsabing may mga lupa pala si Nora sa Bicol. Malawak daw ang lupain niya.

Wala namang sinabi sa amin kung ano ang ginagawa ng superstar sa Bicol. “May inaasikaso po,” sabi sa amin ng malapit sa kanya.

 

vuukle comment

ALLAN K

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with