^

PSN Showbiz

Julia binansagang Black Widow, Angelina Jolie ng Pinas

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia binansagang Black Widow, Angelina Jolie ng Pinas
Julia
STAR/ File

Whew mala-Black Widow (Scarlett Johansson) at Angelina Jolie ang galawan ni Julia Montes sa kanyang training para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Mainit ngang pinag-uusapan sa social media ngayon ang inaabangang karakter ni Julia sa Kapamilya teleserye matapos ilabas ng Dreamscape Entertainment ang matitinding training videos ng aktres, pati na ang patikim na fight scenes niya kasama si Coco Martin.

Sa pinakahuling video na kumalat sa social media, makikitang sumasabak si Julia sa iba’t ibang maaaksyong fight scenes habang tinuturuan at inaalalayan siya ni Coco.

Pahayag ng stunt coordinator ni Julia na si Erwin Tagle, partikular si Coco sa pag-eensayo ng aktres para masigurong makukuha nito ang tamang pag-atake sa gagampanan niyang karakter. “Gusto talaga ni Direk Coco na bumuo ng team for Julia na pagdating sa fight scenes ni Julia. Pati camera shots, pati camera angles, iba ang approach. Cinombine ko ang Filipino martial arts, ‘yun ang fight design talaga namin for Julia. Although nag-request si Direk Coco na ‘bigyan mo ako ng street fight, konting brawl,’” saad ni coach Erwin sa isang TV Patrol report.

Kanya-kanyang hula naman ang netizens kung ano nga ba ang magiging papel ni Julia sa serye, lalo’t hindi pa tiyak kung magiging kakampi o kaaway ba siya ni Cardo Dalisay (Coco) sa longest-running action-drama series sa bansa.

Samantala, kasalukuyan nang naka-lock in ang buong cast ng Ang Probinsyano sa Ilocos.

Doon na rin pala kasi itinuloy ang taping ng ibang eksena na naudlot sa Batangas nang paalisin nga sila sa Batangas dahil nung nagkaroon ng paggalaw ang Taal Volcano.

Sa Monday pa raw mag-uumpisa ng taping ang ibang cast nito pero ang ganda raw ng accommodation nila sa Ilocos, mala-Africa ang concept kung saan may kanya-kanya silang cottage na maraming animals. Very refreshing and relaxing daw ang atmosphere sa nasabing hotel na pag-aari ni former Gov. Chavit Singson.

Anyway, napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Sa podcast muna ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos matapos maudlot ang first teleserye nila na diumano’y sa January na magre-resume ang taping.

Kaya naman wish granted ang fans sa bagong passion project na inilunsad ng dalawa -- ang Figure It Out.

Ang podcast na ito ay para sa mga kapwa nila millennials na for sure ay makaka- relate sa kanilang life experiences at adventures.

Excited si Gabbi para sa kanilang kauna-unahang episode.

Sa kanyang Instagram post, “Our 1st podcast episode called “Figure it Out” is finally out on Spotify!!! ?? join us as we share our story on “How We Met!”

Dagdag naman ni Khalil, matagal na raw nilang pinaplanong gawin ito at sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng oras para finally ay maibahagi na ito sa lahat.

Last February nga nang mag-start sila ng taping para sana sa first teleserye nilang Love You Stranger pero one cycle lang diumano ang natapos dahil may nagkaroon ng coronavirus infection sa grupo.

At nang babalik na diumano uli sa lock-in, nagkaroon uli ng positive kaya hindi na itinuloy ang taping at sinabi na sa buong cast and staff na hold muna ito at baka sa January na mag-resume.

Kasama rin sana sa teleserye sina Tonton Gutierrez and Gil Cuerva and directed by Irene Villamor.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with