^

PSN Showbiz

Adrian at Keann, manganganib ang pagmamahalan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos mabuo ang pagmamahalan nila sa pelikulang The Boy Foretold by the Stars, matitinding hamon naman ang haharapin ng relasyon nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa original digital series na Love Beneath the Stars na mapapanood nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC simula Agosto 16.

Magiging official na ang status nina Dominic (Adrian) at Luke (Keann) bilang magnobyo, pero sunud-sunod na problema ang kailangan nilang suungin – ang pagtutol at panghuhusga sa kanilang relasyon, ang pagkakadawit nila sa isang iskandalo, at ang isyu ng third party.

Ibinahagi nina Adrian at Keann ang mga mahahalagang aral na makukuha ng viewers sa serye tungkol sa pag-ibig.  “Kapag pinili mo, dapat panindigan mo. Dapat kapag pinanindigan mo, dapat alam mo na tanggap mo rin ang challenges na kasama doon. Kasi marami silang challenges na hinarap noong pinili nila ‘yung isa’t isa,” saad ni Adrian sa isang interview.

Kwento naman ni Keann, “Love knows no gender. No one can tell you who you should or should not love. Even if fate decides na you’re not supposed to be with this person, if you genuinely love this person and you want this person to be part of your life and you know he’s going to be good for you, then by all means you should fight for it.”

Magsisimula ang tensyon sa pagitan ng dalawa dahil pagseselosan ni Luke ang lumalalim na samahan ni Dominic sa schoolmate nilang si Gio (Vaughn Piczon).

Ang Love Beneath the Stars ay isinulat at idinirek ni Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Nikki Valdez, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Victor Sila­yan, at Iyah Mina. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas kada Lunes simula Agosto 16.

Napapanood na rin nang libre sa iWantTFC sa Pilipinas ang The Boy Foretold by the Stars, na nagwagi ng 2nd Best Picture sa 2020 Metro Manila Film Festival. Avai­lable rin ang parehong movie at series sa premium iWantTFC subscribers sa labas ng Pilipinas.

vuukle comment

IWANTTFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with