^

PSN Showbiz

Vice at Coco, grabe ang impluwensya kay Awra!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaking bahagi sa karera ni Awra Briguela sa show business sina Coco Martin at Vice Ganda. Sa loob ng mahigit limang taon ay malaki ang naging impluwensya nina Coco at Vice kay Awra.

Matatandaang nagsimula sa telebisyon si Awra nang mapabilang sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. “Si Kuya Coco ‘yung nagturo sa akin sa ac­ting. Dahil nga bata ako na walang muwang no’n. No’ng nagte-taping ako, medyo nahihiya ako sa mga tao no’n. Siyempre ang daming camera. So, natingin ako kung saan-saan. Tinuro niya sa akin mata sa mata. ‘Dapat isapuso mo ‘yung mga linya mo.’ Tapos si Kuya Coco, support din siya sa akin kung ano ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay,” pagbabahagi ni Awra.

Labingdalawang taong gulang pa lamang noon ang batang aktor nang makatrabaho si Coco sa naturang serye. Todong-suporta umano ang nakukuha ni Awra mula kina Coco at Vice dati pa man. “Naalagaan talaga ako ni Kuya Coco at Ate Vice. Kaya nagka-movie kami, ‘yung Super Parental Guardians. Do’n ko nailabas ‘yung totoong ako talaga. Kasi sa Probinsyano, Macmac ako na nagtatagong bakla. No’ng nagsama kami ni Ate Vice, ‘yung mga spaghetti (eksena sa pelikula) namin, ‘yung mga viral na eksena namin, do’n ‘yung parang ito talaga ako. ‘Yung time na ‘yon nabigyan ako ng break kay Meme Vice. After ng Super Parental Guardians, nag-Your Face Sounds Familiar ako,” paglalahad ng teenager.

Samantala, proud si Awra dahil kahit nahihirapan ay napagsabay naman niya ang pag-aartista at pag-aaral. “Never akong nag-stop mag-aral sa buong showbiz journey ko. Five years akong nag-aartista, never akong nag-stop mag-aral,” pagtatapos niya.

Jameson, aminadong hirap noong umarte

Anim na taon na ang nakalilipas mula nang magsimulang mag-artista si Jameson Blake. Nagsimula ang Hashtags member bilang isang TV commercial model noon. Umaasa naman si Jameson na mas marami pang proyekto ang magagawa kahit na mayroong pandemya. “I’m happy naman with my career and sa life. I went through a lot na rin. Time flies talaga so I’m really looking forward to doing more projects and to doing better and to showcase my talent basically. So keep going lang, ’yon ‘yung goal ko,” bungad ni Jameson.

Aminado ang aktor na nahirapan siya noong umarte dahil mas komportable siya sa ginagawang pagsasayaw sa It’s Showtime.

Masaya si Jameson dahil kahit nagsara na ang ABS-CBN noong isang taon ay patuloy pa ring nabibigyan ng mga proyekto ng Kapamilya network. “It was very alarming for us and I didn’t know how to act right away. I’m happy that we still managed to get on our feet and to keep going kahit paano. I can see naman throughout the year na we’re still trying to make projects and do more shows. We’ve been trying to make the most out of everything,” pahayag ng binata.

Samantala, nangangarap si Jameson ngayon na makagawa ng isang proyektong aksyon ang tema. “’Yung role na hindi ko pa na-try is ‘yung action related. ‘Yon ang gusto kong i-try maybe in the future,” giit ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with