^

PSN Showbiz

Yam at Miguel, ikakasal sa Amerika ngayong July

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bago matapos ang buwan ay magpapakasal na sina Yam Concepcion at Miguel Cuunjieng. Kasalukuyang nasa New York ang magkasintahan.

Sobrang abala na ngayon ng aktres dahil sa paghahanda ng lahat para sa kanilang pag-iisang-dibdib ng fiancé. Matatandaang New Year’s Eve noong 2019 nag-propose ng kasal si Miguel sa aktres. “Since nandito tayo sa US, ikaw lahat magpa-plan no’n. Wala akong tagatulong in planning all these things. Hindi naman siya grand celebration. We just want it simple and very intimate. Ako lahat, stressful pala siya talaga,” pahayag ni Yam.

Anim na taon nang magkasintahan sina Yam at Miguel kaya naman napapanahon na rin upang magpakasal.

Dalawang buwan nang nasa Amerika ang aktres kaya talagang nae-enjoy ang bawat sandali na kasama ang nobyo. “I’ve been loving New York so far. Two months na ako dito and what I celebrate the most is the time that I spend with Miguel. Kasi six years din kaming LDR (long distance relationship). Finally we get to enjoy time together, extended time together,” pagbabahagi ng dalaga.

Ayon kay Yam ay talagang mahirap para sa kanilang magkasintahan ang sitwasyon na magkalayo sila ng ilang taon. Tanging tiwala at pagmamahal sa isa’t isa lamang ang pinanghahawakan umano ng magkasintahan. “Siyempre mahirap ‘yon. kasi ‘yung love language ko is physical touch. So mahirap nang hindi mo siya kasama,” pagtatapos ng aktres.

JC, inaming binuhay ng ABS-CBN

Malaki ang pasasalamat ni JC Alcantara sa ABS-CBN dahil ang Kapamilya network umano ang nagbigay katuparan sa mga pinangarap lamang niya noon.

Isa ang aktor sa mga pinakabagong alaga ng Star Magic ngayon. “Ang ABS-CBN po talaga ang nagbigay sa akin ng liwanag sa buhay ko. Ang laki ng utang na loob ko sa ABS-CBN. Lahat ng pangarap ko, ABS-CBN ang nagbukas. Sila talaga ‘yung pangalawang pamilya ko na. Talagang mahal na mahal ko ang ABS-CBN. Hindi ko ito iiwan,” nakangiting paglalahad ni JC.

Nakilala ang aktor noong isang taon sa boy’s love o BL series na Hello Strangers kung saan nakasama si Tony Labrusca. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang mga proyektong ginagawa ni JC sa bakuran ng ABS-CBN. “Noong dati, ‘yung walang-wala ako nitong pandemic, hindi nila ako pinabayaan. Sila ‘yung talagang binuhay ako. ‘Yung mga gamit ko, na-invest ko sa kanila ito,” pagtatapat niya.

Bukod sa pag-arte ay sumabak na rin ngayon si JC sa pagkanta. Napapakinggan na ang kauna-unahang single ng binata na may titulong Please Na Miss Kita.

Umaasa rin si JC na muling magkakaroon ng prangkisa ang ABS-CBN at hinding-hindi niya ito iiwan. “Ang mabibigay ko na lang ay ‘yung loyalty ko sa management ko. At ‘yung pagmamahal, respeto. Babalik tayo, wait lang tayo. Babalik tayo guys,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

MIGUEL CUUNJIENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with