^

PSN Showbiz

Mga beteranong direktor, napagbintangan din noon ng basurang trabaho

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Mas dumarami yata ang comments doon sa “trabahong basura.” May isa pang director na diumano ay nakaalala sa naging usapan nila minsan ng yumaong si direk Wenn Deramas. Kasi noong panahong iyon ay mara­ming mga kritikong nagsasabi rin na ang mga pelikula ni direk Wenn ay basura.
“Sinasabi nga ni direk Wenn, hindi ko pinapansin dahil malamang ang nagsasabi niyan ay hindi kayang gumawa ng mga pelikulang ginagawa ko. Basta ang alam ko lahat ng mga pelikula ko kumita nang hindi bumababa sa isandaang milyon” sabi ng director.

May panahon din namang sinasabing basura ang mga ginawang pelikula noon ng beteranong director na si Mike Relon Makiling, pero nagustuhan ng publiko, kumita rin ng daang milyong piso, at hanggang ngayon kumikita pa dahil nabibili ang video at pinanonood sa internet.

Kabilang diyan ang mga pelikula ng comedy king na si Dolphy, ang maraming pelikula nina Tito, Vic and Joey na isa sa pinakamalaking naging hit ay ang Working Boys at Ma’am May We Go Out, iyong film bio ng yumaong sexy star na si Claudia Zobel at marami pang iba.

Madalas naming kakuwentuhan noon si direk Mike na ang lagi na nga lang sinasabi na “hindi naman kasi ako gumagawa ng pelikula para sa mga kritiko. Hindi naman sila nagbabayad sa sine eh. Karamihan diyan may MTRCB card pa. Gumagawa ako ng pelikula para sa mga taong naghahanap ng kasiyahan at nagbabayad para matuwa sila sa mga ginagawa namin.”

May panahon ding sinasabing ang mga pelikulang ginagawa ng mahusay na actor at director na si Abbo dela Cruz, lalo na iyong mga sexy ay basura. “Siya nga mismo ikinahihiya ang mga pelikula niyang basura kaya ang ginagamit niyang pangalan Rico Mambo,” sabi pa ng mga kritiko niya noon.

Pero ang lahat ng mga pelikula niya noon ay kumita nang malaki. At tingnan ninyo, iyan bang mga nagsasabing ang kanilang trabaho ay world class, may mga proyekto na bang tinangkilik ng publiko?

Iyang mga pa-world class style nila ang dahilan kung bakit ang local na telebisyon ay napasok, at ang shows natin ay tinatalo sa ratings ng mga dramang Koreano.

Ayaw ng audience sa ginagawa nila, kaya Koreano ang pinanonood.

Patrick, dalawa na ang lalaking anak

Matapos ang pagitang 12 taon, at pagkakaroon niya ng tatlong sunud-sunod na anak na babae, nakatiyempo ulit si Patrick Garcia na magkaroon ng isang anak na lalaki. Isinilang ng kanyang asawang si Nikka ang kanilang ikaapat na anak na pinangalanan nilang Pablo Enrique.
Dama mo ang katuwaan nina Patrick at Nikka, at maging ang tatlo nilang anak, nang isilang ang bunso nila.

Noon may nagsasabi ngang hindi na yata siya makakatiyempo ng lalaki ulit. Ang una niyang anak sa naging girlfriend na si Jennylyn Mercado ay lalaki nga, si Alex Jazz na 12 years old na pala ngayon.

Fake news spreader na tumatanggap ng TF, hinahanap ng NBI

May sample na, nagsampa ng demanda si Senador Kiko Pangilinan laban sa Google PH executive at dalawang YouTube Channel creators, dahil diumano sa paninirang puri sa kanya. Sinabi raw sa YouTube, na hindi namin nakita dahil hindi kami nanonood ng ganyang vlogs, na sinasaktan niya ang kanyang asawang si Sharon Cuneta.

Sa ngayon ipinapa-trace pa niya sa NBI kung sino ang talagang may-ari ng dalawang YouTube channels dahil hindi naman inilalagay doon ang pangalan ng mga iyon, at posibleng ibang pa­ngalan din ang ginamit nila ng gawin ang account, pero mabubuko rin iyan dahil sino ang tumatanggap ng komisyon sa ads ng YouTube na inisingit sa kanilang channel?

Akala nila lusot na lusot sila eh, hindi na nga­yon dahil pinagkakakitaan na nila iyan.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with