^

PSN Showbiz

Bea at John Lloyd, ayaw patahimikin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea at John Lloyd, ayaw patahimikin
John Lloyd

Sobra naman ang issue ng ibang taga-ABS CBN na lumipat sa GMA 7. Para bang big deal pa eh talaga namang hindi maiiwasan dahil nga sa pagkawala ng franchise ng kabilang network.

Bakit ginagawang personal ang trabaho lang naman. Para bang ang la­king issue sa loyalty ang nangyayari.

‘Yung sinabi ni Angel Locsin na hindi mo iiwan ang mga kasama mo na may problema, para namang snide remark kay Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Para bang hindi ka puwedeng mag-decide para sa career mo dahil may problema ang Channel 2?

Noon bang lumipat si Angel mula sa GMA 7 to ABS-CBN may ganun bang issue, wala naman ‘di bah? Hayaan mong mag-decide ang star kung ano ang gusto niya para sa career niya, huwag nang bigyan ng ibang kulay, hindi na kailangan ang emotional blackmail. Ordinaryo lang ‘yung lipatan, dahil nga siyempre gusto mo ring matikman ang alaga ng ibang bakuran, walang personalan, trabaho lang. Hayaan niyong lumipat ang gustong lumipat, ang ipagdasal n’yo sana maluwag ang nalipatan nila para maraming trabaho, kasi ‘pag masikip na, baka ganun din ang mangyari, nganga din, ‘di ba?

Hintayin na lang mga resulta ng channel switching, saka na ‘yang bitter remarks na binibitawan.

Thankful and grateful…

Dapat talaga we are always thankful for all the years in our life, and the life we spent on those years.

Kahit ano pang journey, bumpy, smooth, whatever, heto tayo, still alive and kicking. Grateful and thankful dahil every morning we wake up, a new day, iba na naman ang buhay na bubunuin natin. Matatapos ang araw na heto, buhay pa rin tayo enjoying what we are doing.

Kaya nga naisip ko, talagang amazing ang power ni God, iyon talagang naiiba niya ang buhay mo nang hindi mo nararamdaman na para pala sa ikabubuti mo. Hindi ba kadalasan, sinasabi natin sa ating sarili, why, bakit ganito ang kapalaran ko, then bigla, may pagbabago at mas maganda pa sa inaasahan mo. So much to be thankful for, be grateful, dahil nadama natin ang pagmamahal ni God.

I don’t know, emotional ang gising ko kahapon ng umaga. Iyon bang biglang naisip ko ang suwerte ko na inabot ko ang 74 years ng buhay. Na mula sa pinanggalingan ko, nandito ako, hindi ultra rich but comfortable, na nagawa at natikman ang mga bagay na akala ko sa dream lang mangyayari.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with