^

PSN Showbiz

Donny, inamin ang kasalanan kay Belle

Pilipino Star Ngayon
Donny, inamin ang  kasalanan kay Belle
Donny at Belle
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy na tinutukan ng online viewers ang bagong Star Cinema series na tampok ang hot young stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na He’s Into Her dahil number one pa rin ito sa most-watched shows sa iWantTFC sa ika-apat na Linggo mula nang mag-pemiere.

Nitong huling episode, tinuldukan na ni Deib (Donny) ang pambu-bully kay Maxpein (Belle) matapos magkakilala ang dalawa nang mas malalim habang ginagawa ang school project na binigay sa kanila ng principal.   

Hindi nagtagal, pinuri na ni Maxpein si Deib sa harap ng ina ng binata, bagay na ikinagulat nito.

Nang kanilang ipakita sa mga schoolmate ang kanilang project, humingi ng tawad si Deib sa lahat ng kanyang nabiktima habang humingi rin ng paumanhin si Maxpein sa lahat ng kanyang hinusgahan ang pagkatao. 

Sa nangyaring pagpapatawaran, mag-level up din kaya ang friendship ng dalawa?  

Napapanood rin tuwing Linggo, 8:45 PM sa Kapamilya Channel at A2Z, nagtala ito ng viewing records na nagtulak dito para maging top free entertainment mobile app sa bansa.  

Naging most talked about show rin ito sa social media noong Mayo at umabot ng sixth place sa TheWit.com’s Social Wit List, isang listahan ng mga palabas na pinag-usapan sa Instagram.  

Batay ang He’s Into Her sa Precious Pages-LIB novel tungkol sa dalawang estudyante na hindi magkasundo sa umpisa ngunit madidiskubre nilang may pagkakapareho sila.

vuukle comment

IWANTTFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with