^

PSN Showbiz

Guwapong basketbolista, pinasok na rin ang negosyo ng kahalayan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi lang itong Bidaman na si Jervy delos Reyes at ang TikTok Influencer na si Lloyd Agustin ang abala sa kanilang private video na pinagkakakitaan ngayon sa kanilang subscribers.

Ang latest na nabalitaan namin, isang guwapo at hunk na hunk na basketbolista ang pinasok na rin ang ganitong raket.

Marami ang nagnanasa sa kanyang kakisigan kaya malamang na magsu-subscribe sila sa private account nitong basketbolista sa Twitter.

May ipinorward na sa aming account sa Twitter na Only Fans ang title.

Doon daw makikita ang sexual activity nitong basketbolista.

Hindi pa alam kung vidjakol o anong kahalayan ang ipapakita niya sa naturang account.

Bongga raw ngayon ang isang app na kung saan dollar rate na, kaya mas malaki ang kita.

Iyon na rin daw ang ginagawa nina Jervy at Lloyd.

So, tuluy-tuloy pa rin pala sila, dahil mas malaki na ang kita.

Alden, pumayag sa halikan kay Jasmine

Siguro naman tahimik na muna ang ibang AlDub fans, at tatanggapin ang bagong drama series ni Alden Richards, ang The World Between Us.

Nasilip ko ang teaser nito kung saan may eksenang maghahalikan na sana silang dalawa ni Jasmine Curtis Smith, ang leading lady niya sa seryeng ito.

Inaasahan ang all-out support dito ng fans, dahil mukhang maganda at kakaiba ito sa mga nagawa ni Alden.

Kabi-break lang nina Alden sa taping, at naghahanda na naman siya ngayon sa All-Out Sundays na live na sa Linggo.

Dito muna ngayon naka-focus si Alden, kaya matagal-tagalan siyang hindi mapapanood sa Eat Bulaga.

Ang dinig baka bandang October na raw siya bumalik sa naturang noontime show.

Pagkatapos kasi nitong The World Between Us ay isasalang naman siya sa pelikula nila ni Bea Alonzo.

Julie Anne, nagsalita tungkol sa kanila ni Alden

Sa live episode ng All-Out Sundays sa Linggo ay sisimulan na rin doon ang selebrasyon ng 71st anniversary ng GMA 7. Inaasahang star-studded ito dahil may partisipasyon ang mga big star ng Kapuso network na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Dingdong, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Alden Richards, Lovi Poe, Carla Abellana, AiAi delas Alas, Eugene Domingo, Michael V., at pati ang mga pillars ng GMA News na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino at Jessica Soho.

Nandun din ang mga star ng mga toprated at mga bagong show.

Sa virtual mediacon ng AOS noong nakaraang Miyerkules ng hapon ay tinanong namin si Julie Anne San Jose, kung medyo ilag pa rin ba siya kay Alden kapag nagsasama sila sa isang stage. May fans pa ring OA kung magselos, na kahit pinagtabi lang sina Alden at Julie Anne ay nagmamarakulyo na sila. (

Sabi naman ni Julie Anne, wala raw talagang isyu sa kanila at okay na okay naman daw sila ni Alden on and off camera. “Okay po kami sa All-Out Sundays. Even when we see each other nakakapag-hi, nakakapag-hello.

“Nagkakaroon naman ng mga usap-usap. I just want to clear it out na wala naman talagang issue between us. For me, wala pong kaso sa akin at all. At the end of the day, I’m just doing my job. Okay naman po kami talaga. I’m in good terms with him.

“Saka yung issues po before, parang ibaon na natin sa limot ‘yun kasi 2021 na, and that’s not what we need right now. All we need right now is to help each other, especially ngayong pandemic na ito kasi ang dami nang nangyayari sa mundo ‘di ba? So, why focus on the negative ones.

“Wala namang kahit anong feeling. Wala namang tension between us,” paglilinaw ni Julie Anne.

Agree naman si Ruru Madrid sa sinabi ni Julie Anne, na dapat move on na raw talaga at ilibing na sa limot ang mga matagal ng isyu.

Dagdag pa ni Julie Anne, “It’s all about moving forward, ­living a healthier life hindi lang sa physical na aspeto. Kailangan din nating ingatan ang ating mental health, spiritual health, emotional health.”

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with