^

PSN Showbiz

Amazing... ni Dingdong, may bagong time slot sa 3rd anniversary

Pilipino Star Ngayon

Bagong adventures at marami pang inspiring stories mula sa local heroes ang naghihintay sa Kapuso viewers sa three-part anniversary special ng award-winning info-tainment show na Amazing Earth simula ngayong Linggo, June 13, sa bago nitong time slot.

Tampok sa special episodes ang wildlife stories mula sa BBC nature documentary na Seven Worlds, One Planet na kuha mula sa sa iba’t ibang panig ng mundo at halos limang taong binuo.

Ngayong Linggo ay tutukan din ang eksklusibong panayam ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Pasig City Mayor Vico Sotto na ibabahagi ang environmental efforts sa kanilang lungsod kagaya na lang ng kanilang floating farm.

Kuwento ni Dingdong, “We have a special guest sa unang anniversary special namin, si Mayor Vico Sotto. Kahit busy siya at birthday ng mommy niya na si Ms. Coney noong araw na ‘yun, he shared his time with us para ipakita ang “green side” niya.”

Samahan si Dingdong na lakbayin ang ating nag-iisang planeta sa three-part anniversary special ng Amazing Earth, simula ngayong Linggo, sa bago nitong time slot, 7:40pm, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Presidente Oscar, magigising na!

Jane, kumampi na kay Coco

Nadagdagan ang mga kakampi ni Cardo (Coco Martin) dahil desidido na ang dati niyang kaaway na si Lia (Jane De Leon) na protektahan ang Task Force Agila sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil nababalot ng sariling konsensya sa pagkakapatay ng Black Ops sa asawa ni Cardo, sinuway ni Lia ang batas sa pagpapatuloy niya kina Cardo sa bahay ng pamilya niya para tulungan silang magtago mula sa mga awtoridad at sa mga kalabang tumutugis sa kanila.

Mas kakailanganin din ngayon ni Cardo ang tulong ni Lia dahil nagsanib-pwersa na ang mga mortal niyang kaaway na sina Lito (Richard Gutierrez) at Lily (Lorna Tolentino).

Panibagong kalbaryo naman ang haharapin ni Lily dahil sa wakas ay magigising na si Presidente Oscar (Rowell Santiago), na ngayon ay mapapasailalim na rin sa kapangyarihan ng kaaway nitong si Renato (John Arcilla).

Anong naghihintay sa kanila sa muling paggising ni Presidente Oscar? Matutunan kaya ni Cardo na pagkatiwalaan si Lia?

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang matitinding bakbakan ni Cardo dahil nagtala ng panibagong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube matapos makakuha ng 156,099 live concurrent viewers ang episode noong Hunyo 8.

Panoorin ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, ­Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

vuukle comment

BBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with