^

PSN Showbiz

Female personality na mahinhin, kumabit sa alaherong mister ng kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ayaw talagang magpahinga ang mga makasaysayang kuwento tungkol sa isang mapanuksong female personality. Parang kabute ‘yun na paisa-isang nagsusulputan.

Ang dami-dami, magkakaiba ang istorya, pero bumabagsak sa paghihiwalay ng mga magkarelasyon na ang dahilan ay ang parang mahinhing aktres.

Unang kuwento ng aming source, “Alahero ang lalaki, malaki ang business niya, siya ang nagpaparating ng mga imported watches dito sa atin.

“Siyempre, pati mga imported na alahas, siya rin ang pinagkukunan ng mga kilalang personalidad sa lipunan. Ganu’n katindi ang business ng guy, yayamanin talaga siya.

“Kung paano nakilala ng female personality ang jeweller, e, simple lang ang kuwento. Kinaibigan niya ang wife nu’ng lalaki, as in, kung anu-anong regalo ang ipinadadala niya kay wifey!

“Mula nu’n, naging kaibigan na ng female personality ang mag-asawa, madalas silang magkakasama, hanggang sa isang araw, e, may natuklasan ang wife ng rich jeweller,” unang hirit ng aming impormante.

Inilihim ni girl ang pangungutang sa jeweller. Milyong halaga ‘yun, bukod pa sa mga alahas na kinukuha niya, pero ewan kung binabayaran niya naman kahit paiyakan lang (read: hulugan).

Kuwento uli ng aming source, “Nabuking ng wife ang pangungutang niya sa phone ng lalaki. Naisip ng girl, bakit dumeretso ang female personality sa husband niya?

“Bakit hindi muna sa kanya nagsabi, samantalang magkaibigan naman sila at pareho pa silang babae? Binantayan na ni misis ang mga ginagawa ng husband niya at ng female personality.

“Natuklasan ng wife, magkarelasyon na pala ang asawa niya at ang female personality! Nu’ng hindi na makapagbayad ng utang niyang milyones ang girl, e, ang sarili niya na ang ipinambayad niya!

“Ayun! Nagkahiwalay ang mag-asawa nang dahil sa mahinhin tingnang female personality. Hindi na siyempre nagbayad ng utang ang girl dahil sila na ng jeweller ang naging magdyowa.

“Sabi nga ng wife ng jeweller, e, para raw hayup sa gubat ang girl napakalakas ng pang-amoy! Malayuan at malapitan, naaamoy kuno ng girl kung sino ang mga richie-richie na puwede niyang dyowain!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Sa biglang tingin, e, parang hindi man lang siya makapatay ng lamok, pero matindi ang kanyang kamandag!

“Dahil pandemya ngayon, ang dapat na maging business ng female personality, e, ang pagtitinda ng bibingka online!” nakakalokang deklarasyon ng aming source.

Ubos!

Piolo, dumadaan sa proseso para maging Kapuso

Inuusisa kami ng marami kung totoo raw bang lulundag na rin sa GMA-7 si Piolo Pascual. Si Piolo, na tulad ni John Lloyd Cruz, ay homegrown talent din ng ABS-CBN.

‘Yun kasi ang pinagpipistahang kuwento ngayon, sina Willie Revillame at Direk Johnny Manahan daw ang makikipag-usap kay Piolo, kahit pa wala namang kumpirmasyong nanggagaling kina Willie at Mr. M.

Wala namang imposible basta dadaan sa tamang proseso ang lahat ng mga hakbang. Kung si Direk Edgar Mortiz nga, bayaw ni Ma’m Charo Santos, nasa produksiyon na rin ni Willie ngayon pati ang anak nitong si Frasco na nagdidirek na ng Wowowin-Tutok To Win.

Nasa maganda at maayos namang usapan ang lahat, respeto lang ang kailangan, tulad ng ginawa ni Willie kay JLC na ibinusina at pinagpaalam muna niya sa mga ehekutibo ng Dos.

May komentong sinabi sa amin ang kaibigan naming propesor, “Sa panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan. Kung sino ang may kapasidad na makatulong, makagaganda ‘yun.

“Nawalan ng franchise ang ABS-CBN, sobrang apektado ang mga artista nila. Pumapayag naman ang network na magtrabaho sila sa ibang network, di ba?

“So, bakit kailangang sumbatan ang mga artistang lumilipat sa GMA-7? Ang iba, nasa TV5 na nga. Alangan namang kapag naibalik na ang prangkisa ng ABS-CBN, e, saka pa lang kakain pati ang mga pamilya nila.

“Masisisi ba natin ang mga artistang naghahanap ng greener pasture sa ibang network? Kailangan nilang mabuhay, karamihan sa kanila, e, mga breadwinner din!

“Hindi sila dapat sumbatang walang utang na loob, walang loyalty at kung anu-ano pang panghahamak. Nagpapaalam naman sila, nagbibigay ng respeto, nagkataon lang na walang maibibigay na trabaho sa kanila ang mother network nila, kaya lumilipat sila,” mahabang komento ni prop.

May mga personalidad na hindi lang nagsasalita, pero tinatamaan ng anxiety, stress, at depression. Gusto na nilang mabilis na dumaan ang mag­hapon sa pag-asang kinabukasan ay may bagong pag-asa na silang maaasahan at makakapitan.

Suwerte ng mga artistang nagkakaroon pa rin ng trabaho, mas masuwerte ang mga personalidad na may nadudukot ngayong panahon ng pandemya, pero mas marami ang nangangailangan.

May mga lalaking personalidad na ngang nagbebenta ng katawan online, may mga babaeng artista ring nagbebenta na ng bibingka kahit malayo pa ang simbang-gabi para makaterno ng puto-bumbong, may mga ganyang senaryo na dahil sa kahirapan ngayong pandemya.

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with