Investors, nagkukumahog sa mga proyekto ng buhay ni Mayor Isko!
MANILA, Philippines — Mabenta ngayon sa interview si Manila Mayor Isko Moreno lalo na sa news programs.
Napaulat kasi na isa si Yorme Isko sa kinukunsidera para maging running mate ni Mayor Sara Duterte sa eleksyon 2022.
Kunumpirma ni Moreno na tatakbo siya sa 2020 pero wala siyang posisyong sinabi.
Pero sa totoo lang, may kumalat na teaser sa social media ng isang pelikula na may title na Yorme. Pag Yorme, associated kay Manila mayor ‘yun!
Parang musical ang dating nito at sa mga naulat noon, lalabas na younger Isko si MacCoy de Leon habang si Xian Lim naman ang older Isko.
But wait! May balita kaming isa pang pelikula pero hindi ito bioflick ni Yorme. Ang dinig namin eh si Mayor Isko ang lead actor, huh!
Sa totoo lang, nagkukumahog ang mga investor sa movie na maglabas ng datung dahil kay Mayor Isko, huh!
Naku, magparehistro muna kayo at bumoto sa 2022, ‘no?
Stardom, mailap kay Kristoffer
BATAM-BATA pa si Kristoffer Martin nang magsama sila ni Kathryn Bernardo sa Kapuso series na Endless Love.
Hindi nga lang nagtuluy-tuloy ang team up nila dahil lumipat na sa ABS-CBN si Kathryn at napunta kay Daniel Padilla.
May anak na sa kasalukuyan si Kristoffer.
Eh dahil magaling na aktor, si Kristoffer ang bibida sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong gabi, ang Prisoners of Love.
Nagagalingan kami bilang aktor kay Kristoffer pero mailap nga lang ang stardom sa kanya, huh!
- Latest