^

PSN Showbiz

Kyle, excited sa 18th birthday

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyle, excited sa 18th birthday
Kyle
STAR/ File

Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ni Kyle Echarri para sa kanyang kauna-unahang digital concert na gaganapin sa June 18.

Ito rin ang magsisilbing birthday fan conference ni Kyle para sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya. “June 20 is my birthday. I’m finally turning 18. I’m going to become legal and I have a big surprise para sa lahat ng Squadmates and lahat ng sumusuporta sa akin,” pagbabahagi ni Kyle.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa pamunuan ng Dreamscape dahil sa pagiging bahagi ng Gold Squad kasama sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin. “Nagpapasalamat talaga kaming apat sa Dreamscape dahil sa tiwala bilang as the Gold Squad binigyan kami ng Huwag Kang Mangamba at itong Click, Like Share. More than two years na kaming Gold Squad and hindi namin akalain na aabot kami sa ganito. Nagpapasalamat din kami sa mg Squadmates kasi kung wala kayo, wala rin kami,” dagdag ng binata.

Para kay Kyle ay isang malaking responsibilidad din ang mapabilang Gold Squad Plus ngayon lalo pa’t nagsisilbi silang mga inspirasyon para sa mga kabataan. “It’s a responsibility to be part of ABS-CBN and it’s a responsibility to be part of Squad Plus dahil tayo ay tinitingnan na parang role models ng mga kabataan and sobrang blessed kami na binigyan kami ng ganung role,” pagtatapos ng aktor.

Lou at Andre ldr ang rason sa hiwalayan

Hindi naging madali para kay Lou Yanong ang naging hiwalayan nila ni Andre Brouillette bilang magkasintahan. Sobrang minahal ng dalaga ang dating Pinoy Big Brother housemate kaya aminadong nahirapang maka-move on sa mga nangyari. “Kasi hindi naman po madali ‘yon lalo na kung minahal mo talaga ‘yung tao. I still care about him and I’m sure kahit hindi ko po siya nakakausap ngayon he still cares about me,” bungad ni Lou.

Wala naman umanong pinagsisisihan ang aktres kung ano man ang napagdesisyunan nila ni Andre. “’Yung pinaka-main reason lang po talaga is distance. Lagi ko naman pong sinasabi na sobrang malambing kami sa isa’t isa. Ngayon kung wala ‘yung factor na ‘yon, sobrang hirap po. Parang wala po kasi I guess sa timing. Parang ano po talaga siya, kailangan din talaga just to get to know ourselves more and grow apart, sadly. But we didn’t know what the future holds,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Malaking bahagi sa isang relasyon ay ang pagkakaroon ng oras para sa isa’t isa. Sa ngayon ay sa Amerika nakabase si Andre habang si Lou naman ay nasa Pilipinas. “Longing for each other po. Kasi mahirap kung maggo-grow apart. Kasi kahit ilang months lang po ‘yun o days, ‘di po ba napag-usapan din po last time na we are ready for anything. We’re going to fight for it but we’re ready for anything. Pag-uusapan po, baka puwede mapag-usapan,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with