^

PSN Showbiz

Alden/Bea movie, next year na itutuloy!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Alden/Bea movie, next year na itutuloy!
Alden at Bea
STAR/ File

Mabibilang na sa daliri ang ban­kable stars na nabibigyan ng project kahit man lang sa streaming platform.

Kadalasan ay mga baguhan ang nabibigyan ng acting breaks sa digital movies na sa streaming platform mapapanood.

Kung hindi kami nagkakamali, sa tinatawag na BL (Boys’ Love) series ito nagsimula via Game Boys. Relatively unknown ang mga bida pero tila nag-hit ito, huh!

Sa totoo lang, mapapanood sa Heart of Asia Channel ng GMA ang Game Boys bilang weekly series.

Ang mga latest na baguhang artista ay ang mga bida sa A Girl and A Boy na sina Rob Gomez at Alexa Miro.

Mula ito sa direksyon ni Erik Matti at isa itong Upstream original at mapapanood sa June 24.

Samantala, nakatapos na ng BG International ng isang movie, ang Abe-Nida. Bida rito sina Allen Dizon at Katrina Halili, at si Louie Ignacio ang director.

Wala nga lang kumpirmasyon mula sa producer kung sa sinehan ba ito ipalalabas o sa digital platform.

Pero knowing the line producer Dennis Evangelista, baka una pa itong maisalang sa international film festivals.

Ang inaasahang mapapalabas sa mga sinehan ay ang Bea Alonzo at Alden Richards starrer. Pero blangko na ang mga tao kung ginagawa na ba ito at natapos na o kung next year na ito mapapanood.

Nahinto ang balita tungkol sa movie matapos magkaroon ng big announcement.

Hanggang wala pang sinehang nagbubukas, magkakaroon naman ng showbiz career ang mga baguhan hanggang digital/streaming platforms lang!

Nakakalungkot sa datihan nang mga artista pero hindi control ng producers at cinema owners ang takbo ngayon ng local film industry!

Masuwerte na lang ‘yung mga artistang may pera pa at negosyong pinagkakakitaan, huh!

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with