^

PSN Showbiz

Babaeng sobrang pasosyal, binuko ng mga kaklase at kabarkada na sanay sa street food

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakow, nagsanga-sanga na ang mga kuwento tungkol sa pagpapasosyal ng isang kilalang female personality na kiyemeng hindi kumakain ng mga produktong ibinebenta sa kalye, sa totoo lang.

Nabulabog ang mga dati niyang kaklase, ang mga dati nilang kasambahay, ibinuking ng mga ito ang female personality na nagpapakasosi.

Kuwento ng aming source, “Ayan na! Naglalabasan na ang mga daga sa kanilang lungga! May kani-kanyang kuwento sila para lang patunayan na super-arte at liar ang girl!

“Kasi naman, napakabatang inapuntahan ng pagkalimot ang babaeng ‘yun, kaya ayan tuloy, naging malaking issue ang food na itinutuhog sa stick na pambenta sa kalye!” napapatawang unang bagsak ng kuwento ng aming impormante.

Flashback story. Mismong isang kapamilya ng girl ang makapagpapatunay na nag-iinarte lang siya. Paborito niyang pagkain ang kiyemeng ayaw pa niyang isubo nu’ng pinakakain siya ng boyfriend niyang laking-kalye.

Dagdag na patotoo ng aming source, “Paano niya sasabihing hindi siya kumakain ng streetfood na ‘yun, e, mismong tita niya ang mahilig kumain nu’n? Matagal silang magkasama, lumaki halos siya na kasama ang tiyahin niyang ‘yun!

“Ang tita niya ang nagturo sa kanilang magkakapatid na kumain ng food na ‘yun na para pa niyang pinandidirihan nu’ng isinusubo sa kanya!

“Nakakalokah ang babaeng ‘yun! Baka umeksena ang tita niya ngayon at ipahiya siya to-the-max! Baka sa inis sa kanya ng tita niya na matagal na nilang hindi kasundo, e, ikuwintas sa leeg niya ang food na idinedenay niyang dati na niyang kinakain?

“At ang mga kaklase niya sa high school, pinagpi­pistahan din siya ngayon dahil grupo-grupo pala silang kumakain nu’n ng streetfood sa tapat ng eskuwelahan nila!

“Kabisado pala niya ang mga food na ‘yun, pati nga raw dugo at paa ng manok, e, kinakain ng babaitang ‘yun! Ano siya ngayon? Makalulusot ba siya sa kaartehan niya?

“Ang dami-daming may hawak ng resibo bilang patotoo na napakaarte lang talaga ng babaeng ‘yun na ang sabi pa, e, kakainin lang daw niya ang bitukang ‘yun na nakatusok sa stick para lang sa kanyang boyfriend!

“Tandaan, wala nang ligtas ngayon sa social media, wala na siyang lusot, kaartehan lang niya at pagpapasosyal ang kakiyemehan niyang hindi siya kumakain ng tinuhog na bituka ng baboy!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Coco sumingit sa pila ng mga senior at PWD para mabakunahan

Isang buhay na buhay na isyu talaga ngayon ang pagpapabakuna. Sa mundo ng pulitika ay pinagdedebatehan ang bakuna, hindi rin pakakabog ang mundo ng showbiz, maraming personalidad ang bina-bash dahil sa pagpapaturok ng vaccine.

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagpadala sa amin ng impormasyon tungkol kay Coco Martin.

“FYI, nagpabakuna na kahapon (Huwebes) si Coco Martin sa Barangay Greater Lagro. Maraming nagagalit at naghihimutok!

“Napakatagal na raw nilang nagpalista at naghihintay na mabakunahan pero inunahan pa sila ni Coco. Hindi raw nila alam kung paano napasama si Coco sa A3 o ‘yung may comorbidity o may karamdaman.

“Ang tanong ng mga taga-Barangay Greater Lagro, e, sumingit lang daw ba si Coco o may nagpasingit para mas mauna pa siyang mabakunahan?

“Paano na raw ang mga senior citizens at ang mga PWD na ang tagal-tagal nang naghihintay kung ganyan naman ang labanan?” kumpletong mensahe ng aming source.

‘Yun ang kuwento tungkol sa pagpapabakuna ng action star. Wala kaming ideya kung anong sakit meron si Coco para mapasama siya sa listahan ng mga sakop ng A3.

Ang alam lang naming depektong meron si Coco Martin, kung depekto mang maituturing ‘yun, ay ang pagkakaroon niya ng maigsing dila kaya meron siyang lisping.

Robin, kinukuwestiyon ang ‘utak’?!

DOH na ang nagbigay ng anunsiyo, hindi dapat tularan ng ating mga kaba-
bayan si Robin Padilla na naglakas-loob na mag-self-swab test, delikado ‘yun.

Ang may karapatan lang na magsagawa ng swab test ay ang mga lisensiyadong health workers, hindi binibigyan ng DOH ng kalayaan na gawin ‘yun ng walang alam, tulad ni Robin Padilla.

Dahil may sinabi pa si Robin na kapag nakikiliti na raw ang ating utak ay ayos na ang swab test, ang dami-daming gumamit nu’n laban sa kanyang pag-eeksperimento, matindi ang pamba-bash sa kanya.

Sabi ng isang nagkomento, “Okey lang ang kuda ni Robin, wala naman siyang nasundot na utak na makapagpapadelikado ng buhay niya, dahil wala naman siya nu’n!”

Ahahay!

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with