^

PSN Showbiz

Sino ang hihiranging grand winner ng Your Face Sounds Familiar 3?

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sino ang hihiranging grand winner ng Your Face Sounds Familiar 3?

MANILA, Philippines — Matapos ang pasiklaban sa nakaraang 12 linggo, maghaharap sa pinakahuling beses ang celebrity performers ng Your Face Sounds Familiar Season 3 sa The Grand Showdown, kasama ang host na si Luis Manzano, ngayong Sabado (Mayo 29) at Linggo (Mayo 30) sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.

Live na live mapapanood ang pagpasok nina Christian Bables, CJ Navato, Geneva Cruz, iDolls, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, at Vivoree Esclito sa iconator para makuha ang premyong tropeo, brand new house and lot, at P1 milyon, at sa pagkakataong ito, sila mismo ang pipili ng kanilang gagayahing music icon.

Bukod sa huling transformations ng mga kalahok, kaabang-abang din ang kauna-unahang guesting ng Filipino music icon na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa hit Kapamilya musical variety competition.

Malalaman ng KaFamiliars ngayong weekend kung sino ang napili ng mga contestant na nagtagisan ng galing sa weekly competitions sa loob ng tatlong buwan. Lahat sila naranasan nang manalo, gumaya sa local at foreign artists, at nagtanghal bilang babae o lalaki sa tulong ng celebrity mentors na sina Jed Madela at Nyoy Volante.

Nanalo si Christian bilang Mike Hanopol (Week 10), si CJ bilang Justin Bieber (Week 4), si Geneva bilang Liza Minnelli (Week 12), at ang iDolls na sina Matty Juniosa, Lucas Garcia, at Enzo Almario, bilang Rod Stewart, Bryan Adams, at Sting (Week 7).

Maging sina Lie at Vivoree, nanalo na rin. Si Lie bilang Elizabeth Ramsey (Week 8) at si Vivoree bilang Rihanna (Week 6). Si Klarisse ang pinakamaraming panalo para sa kanyang panggagaya kina Jaya (Week 3), Minnie Riperton (Week 5), Sharon Cuneta (Week 9), at Aretha Franklin (Week 11).

Bago umalis para siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya, nagwagi rin si Jhong Hilario ng dalawang beses sa kanyang pagtatanghal bilang Apl.de.Ap at Bamboo sa unang dalawang linggo ng kumpetisyon.

Sa Grand Showdown, 50 porsyento ng final score ng contestants ay magmumula sa pinagsamang puntos mula sa jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta mula Week 1 hangang Week 12. Ang natitirang 50 porsyento naman ay base sa text votes mula sa mga manonood.

Magbubukas ang botohan sa Linggo (Mayo 30) pagkatapos ng lahat ng performances. Para bumoto, i-text lang ang VOTE <space> NAME OF CELEBRITY PERFORMER at i-send sa 2366 para sa Globe, TM, Smart at Talk N Text, at Sun Cellular subscribers. Isang boto lamang kada isang sim.

Alamin kung sino ang susunod kina Melai Cantiveros-Francisco at Denise Laurel bilang Filipino Grand Winners ng Your Face Sounds Familiar,  na nagkaroon na rin ng pambatang edisyon kung saan nanalo sina Awra Briguela at TNT Boys.

Rita Daniela,emosyonal sa kanyang Best Actress nomination

Emosyonal ang Kapuso actress na si Rita Daniela nang malaman na kabilang siya sa mga nominado bilang Best Actress sa 11th International Film Festival Manhattan para sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name of the Mother.

Sa panayam ni Rita kamakailan sa 24 Oras, inihayag niya ang nararamdamang saya at pasasalamat, “The fact na napansin ako, na-appre­ciate nila ‘yung trabaho ko doon sa pelikula na ‘yun, nakakakilig. Kaya ako naiyak kasi parang nakakakilig na nakaka-excite na nakakatuwa.”

Dagdag pa ni Rita, karangalan daw na maituturing ang tiwalang binigay sa kanya para sa role sa nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

“First ko narinig sa kanya na ‘Congratulations! You did great in this movie,’ sabi niya, ‘Congratulations in advance. Thank you for giving a good work.’ ‘Yun ‘yung naalala ko kaya naiyak na lang ako nung nakita ko ‘yung nomination kasi sabi ko, ‘Ah, okay. Mukhang totoo nga ‘yung sinabi ni Direk Joel.’”

Bukod kay Rita, nominado rin sa parehong category ang beteranang aktres na si Snooky Serna na kasama niya sa pelikula.

Samantala, malapit na muling mapanood sa telebisyon si Rita kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with