^

PSN Showbiz

AiAi, wala Na sa plano ang mag-anak!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
AiAi, wala Na sa plano ang mag-anak!
AiAi
STAR/ File

Buma-Blackpink member ang porma ni AiAi delas Alas sa inilabas na music video para sa bago niyang single na Siomai (What) under Viva Records.

Hindi naman kaila sa lahat ang pagkahuma­ling ni AiAi sa Korean pop girl group na Blackpink. Eh sa kanyang social media account, kadalasan ay may post siya tungkol sa Blackpink.

Ngayon lang uli nakagawa ng bagong single ang Comedy Queen. Ang magkaroon ng hit song na lang ang kulang sa career niya. “Malay mo, ma­ging worldwide hit ang song kong Siomai! Dream big! Ha! Ha! Ha!” sey ni AiAi.

Lalayas ng bansa next week si AiAi papuntang Amerika upang mag-renew ng kanyang green card, bisitahin ang pangalawang anak at magpabakuna. “Free naman ang vaccine sa Amerika kaya doon na ako magpapabakuna. Hinayaan ko na lang ibigay ang slot ko rito sa mas nangangailangan!” rason ni AiAi.

Kasama ba sa pagpunta niya sa Tate ang pagsubok sa surrogacy method para magkaroon sila ng anak ni Gerald Sibayan? Sa surrogacy nagkaroon ng anak si Alice Dixson sa edad niyang 51, huh! “Wala, wala sa plano ko ‘yon. Pandemic pa. Mahirap! Hindi pa swak sa isip ko ang magkaroon ng anak via surrogacy,” diin ni AiAi.

Available na for streaming ang Siomai ni AiAi sa lahat ng platforms at sa YouTube channel ng Viva Records.

vuukle comment

AIAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with