^

PSN Showbiz

Aktres sinusuka ang pamilya ng dating asawa dahil sa pagiging pakialamero!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pumutok man daw ang lahat ng bulkan sa buong mundo ay napakaimposible nang magkabalikan pa ang isang showbiz couple na ilang dekada na ring hiwalay.

May mga magka­relasyong pinaghiwalay ng panahon pero nagkakabalikan pa rin, nag-uumpisa uli, kabaligtaran ng dating mag-asawang ito na milagro na lang ang magiging dahilan ng pagbabalikan.

Kuwento ng aming source, “Nakakapanghinayang ang relasyon nila. Bata man silang nagsimula ng buhay mag-asawa, kahit paano naman, e, meron silang napatunayan.

“Kaya lang, maraming pumasok na problema habang nagsasama sila, mga bagay-bagay na hindi na nila kinaya pa, kaya ang girl ang umalis sa bahay nila ng guy,” unang hirit na kuwento ng aming impormante.

Ayaw na ayaw pala kasi ng female personality na may nanghihimasok sa kanilang relasyon ng mister niya. Hinding-hindi niya gusto ang ganu’n.

Patuloy ng aming source, “Actually, hindi naman nakikialam ang family ng guy sa relasyon nila, checking lang ‘yun kung ano na ang nangyayari sa kanila.

“Pero ang interpretation ng girl, e, nakikialam daw ang family ng husband niya sa buhay nila. Maiiwasan ba niyang hindi magtanong ang pamilya nu’ng lalaki, e, ganu’n talaga sila ka-close?

“Talagang nagtse-check ang mommy niya, tumutulong financially kung kailangan, ‘yun ang talagang isinusuka ng girl. Ayaw niyang tumanaw ng utang na loob sa pamilya ng mister niya!” dagdag pang kuwento ng aming source.

Maganda rin naman ang pananaw ng aktres, kapag laging may sumasagot sa kanilang panga­ngailangan, magiging relax na relax lang ang mister niya at tatamarin nang magtrabaho.

Sabi uli ng aming source, “May isa pang problema. Para kasing hindi talaga feel ng mommy ng male personality ang girl dahil may kamalditahan. Napaka-jolly pa naman ng biyenan niya.

“Isa lang ang sinabi ng mommy ng guy, huwag pilitin ang hindi puwedeng solusyunan. Kung gusto nang umalis ng girl, e, choice niya ‘yun. Umalis nga ang female personality, may bago na siyang karelasyon ngayon.

“Hindi naman nagbago ang pagmamahalan ng male personality at ng kanilang mga anak, nirerespeto nila ang tatay nila, dahil hindi naman sila pinabayaan.

“Sayang na relasyon, nauwi sa hiwalayan at mukhang wala nang balikan pang mangyayari. Kasama na sila ngayon sa listahan ng mga pagmamahalang nauwi sa Lotlot & friends,” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Raffy at Willie tuloy ang pagtulong, wala sa isip ang pulitika

Kung pagtulong at pagseserbisyo sa ating mga kababayan kahit wala silang posisyon sa ating pamahalaan ang magiging sukatan ay nangunguna sa listahan sina Raffy Tulfo at Willie Revillame.

Ngayon pa lang ay marami nang nagdidiin, may nakareserba nang upuan para sa kanila sa Senado, kung sakaling magdesis­yon silang pumasok sa mundo ng pulitika.

Hindi biro ang ginagawang pagtulong ng dalawang perso­nalidad sa ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Sarili nilang bulsa ang nabubutas, wala silang pinakikialamang pera ng bayan, mula sa dugo at pawis nina Kuya Raffy at Willie ang ipinang-aayuda nila sa mga walang-wala sa buhay.

Sila ang nagpapatotoo na kahit walang posisyon sa gobyerno ang sinuman ay puwedeng magbigay ng tulong. Wala silang hinihintay na kapalit, mula sa puso ang ginagawa nilang aksiyon, hindi sila umaasa sa botong ibibigay sa kanila ng ating mga kababayan kapalit ng kanilang serbisyo.

Hanggang ngayon ay maraming nanliligaw kina Kuya Raffy at Willie para kumandidato sa darating na halalan. Pero parang bingi sila sa imbitasyon, wala silang planong makigulo sa pulitika, tama na sa kanila ang pag-ayuda nang mula sa kanilang puso.

Pahayag ng matapang na news anchor at komentarista, “Patay tayo d’yan! Kung ngayon nga lang, e, kung anu-ano nang pagpuna ang tinatanggap ko, di lalo na kapag pumasok pa ako sa politics?

“Okey na ako sa ganito. Kapag merong madudukot na sobra sa needs ng family namin, tumutulong ako,” sabi ni Kuya Raffy.

Ganu’n din ang pananaw ni Willie, “Hindi na kailangan ang position sa gobyerno para tayo makatulong. Puso naman ang nagdidikta nu’n. Kung kaya naman, bakit ang hindi?

“Alam naman natin ang kailangang-kailangan ngayon ng mga kababayan natin. Pagkain sa hapag, konting ayuda para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, kung kaya naman nating pasimplehin ang dinadala nilang problema ngayon, pagdamutan na nila ang nakakayanan natin,” pahayag ni Willie.

Matandain ang kapalaran, matanaw ng utang na loob, ‘yun ang dahilan kung bakit patuloy na pinagpapala ngayon nang siksik, liglig at umaapaw sina Raffy Tulfo at Willie Revillame.

vuukle comment

RAFFY

WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with