Sylvia hindi madali ang pinagdaanan sa pandemya
MANILA, Philippines — Golden girl na si Sylvia Sanchez.
Sa kanyang post ay nagpasalamat ang veteran actress sa lahat ng mga nakaalala sa kanyang birthday. “Yes, I’m 50!! I’ve been waiting to turn 50 so I could slowly experience being a golden girl ?? super grateful to have been able to celebrate with my loved ones and even more grateful to have been remembered by all those sent their birthday love — thank you so much. Much love to all of you
#happy50 #blessed #grateful #thankuLORD Happy evening, everyone”
Five days ago pa ang birthday ni Miss Sylvia pero kahapon lang siya nag-post ng celebration nilang mag-anak.
Very vocal si Ms. Ibyang na hindi madali ang pinagdaanan nila ngayong pandemya.
Nakaroon sila ng COVID ng husband niyang si Art at pareho rin silang naopera pagkatapos ma-COVID.
Bukod pa sa naopera rin ang daughter nilang si Ria na sumailalim sa spine operation last April.
Na-infect din ng COVID ang kasambahay nila at ang pamilya ng kapatid niya.
Ayon kay Ms. Ibyang, sa Diyos sila kumapit sa mga nangyari.
Belated happy birthday, Ms. Ibyang.
- Latest