^

PSN Showbiz

Kim, hindi nagpanggap na mahusay sa inglesan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, hindi nagpanggap na mahusay sa inglesan!
Kim

At least walang charot si Kim Chiu sa pag-aming hindi siya mahusay mag-English.

Meron kasing ibang celeb na kung maka-English as if hindi marunong mag-Tagalog.

Well, inamin ni Kim na kasama sa kanyang insecurities na hindi siya fluent sa English.

Naungkat ito sa It’s Showtime last Saturday sa Tawag ng Tanghalan segment kung saan magkasama sila ni Vice Ganda sa nasabing portion.

Tinanong siya ni Vice kung ano ang mga insecurity niya or imperfections sa katawan.

Sabi  ni Kim : “Ako? Nahihiya ako, hindi ko kayang makipag-usap sa mga fluent English.”

Hirit ni Vice “Ha??? Daldal-daldal mo rito, hindi mo nga maintindihan kung kelan ka hihinto.”

Sagot uli ni Kim : “Hindi English dito, Tagalog dito, ‘Ma, eh.”

Buwelta ni Vice uli : “Magaling kang mag-English.”

Pero may katuwiran pa rin si Kim, “Pag tinapat mo na ako sa totoong English-speaking, medyo ano na tayo dyan… ’ah, thank you, talk to you later.” 

May punto naman si Vice na hindi naman lahat ay perkekto ang English lalo na nga at may sariling wika naman tayo at likas din naman sa mga Pinoy na pakialaman ang konting mali sa English

At least si Kim aminado at tanggap na ganun siya.

Unlike sa ibang artista na ewan ko ba kung bakit panay ang English kahit Tagalog naman ang tanong.

Hahaha.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with