^

PSN Showbiz

Gerald, nagmukhang gurang kay Julia?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald, nagmukhang gurang kay Julia?!
Gerald
STAR/ File

Bakit parang sobrang tumanda ang mukha ni Gerald Anderson. O baka naman dahil talagang malaki ang agwat ng edad nila ni Julia Barretto.

Kasi dati ay very yummy at parang preppy ­looking si Gerald, pero now, mukhang nagkaedad.

In all fairness, gumanda naman lalo si Julia, kaya parang ang bata niyang tingnan sa mga photo nila na magkasama ni Gerald.

Pag titingnan mo ang body language nila, mukha naman maligaya sila at swak na swak ang combination.

Baka nga ito na ang talagang partner para kay Gerald. Baka nga si Julia na ang babae para sa kanya.

Usually ganun naman ang tadhana, bigla hindi mo inaasahan, nasa tabi mo lang pala iyon para sa iyo.

Sana naman, after ng medyo maingay na intriga na dinaanan nina Gerald at Julia, sana sila na ngang dalawa ang maging magkasama sa ending. Para worth it ang inilaban nila para sa kanilang relasyon, para kahit na bumpy road ang pinagdaanan, ang ending nila happy.

Start looking yummy again Gerald, huwag mo masyado dibdibin ang problema, dapat lagi kang yummy looking, para pag nag-aaway mga babae dahil sa iyo, may dahilan bakit sila nag-away. Kasi nga, pogi at papable ka, dapat yummy always, hah hah, joke joke.

Jake babagayan ng pangalang Uno Emilio

Gusto kong gamitin ni Jake Ejercito na screen name ay Uno Emilio, Salve. Hindi ba mas unique, mas maganda ang tunog ng Uno Emilio, parang espanyol na espanyol.

Hindi mo naman sasabihin na late bloomer si Jake Ejercito o late na ang pasok sa showbiz. Siyempre inuna niya ang pagtatapos ng pag-aaral, nag-isip munang mabuti kung ano ang gusto sa buhay bago nag-decide na pasukin ang showbiz.

Matagal nang hinihimok ng marami na pasukin ni Jake ang pag-aartista, pero hindi siya nagmadali. Now na tapos na siya sa kanyang dalawang kurso sa kolehiyo, heto at sasabak na siya sa isang teleserye ng ABS-CBN. Good.

Estrada/Ejercito ang nasa bloodline niya, tiyak na magiging isa siyang mahusay na aktor. Nasa kanya  rin ang charm ng pamilya, at iyon link sa showbiz na talagang very tight dahil considered na royalty sa showbiz ang mga Estrada.

Harapin mo na ng husto ang acting Uno ­Emilio, o Jake Ejercito, talagang hindi mo maiiwasan ang kaway nito.

Parehong taga showbiz ang father at mother mo, so anak ka talaga ng pelikula.

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with