^

PSN Showbiz

Dingdong, saludo sa katipiran ni Marian

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, saludo sa katipiran ni Marian
Dingdong at Marian
STAR/ File

Saludo si Dingdong Dantes sa husay sa pagtitipid at talento sa pagnenegosyo ng asawang si Marian Rivera.

“Bilib na bilib ako sa kanyang entrepreneurial skills. Magaling siya sa pagtitipid. Sa pagsi-save!” pahayag ni Dong sa interview ng gmanetwork.com.

Hanga rin si Dong kay Yan sa pagdadala sa sarili ng asawa sa Instagram.

“Kung paano niya ibenta ang kanyang produkto, ang galing niya!” dagdag pa ng host-actor.

Nagsilbing inspirasyon kay Dingdong ang pagiging negosyante ng asawa upang itatag ang kanyang mobile delivery application.

“I must say na malaki ang inspirasyong naidulot niya sa akin kung bakit naitayo ang Dingdong platform at hanggang ngayon, nandiyan pa siya upang suportahan ako,” pagmamalaki ni Dong sa asawa.

Tumulong na rin si Dingdong na mag-deliver ng flower shop ni Yan na Flora Vida by Marian. Doon niya naisipi ang idea na magtayo ng delivery service.

Pinasok na rin dati ng aktor ang negosyo pero sa kalaunan ay nagsara rin ito.

Kaya naman sabihin man ng marami na mas magaling na negosyante si Marian, never naging isyu ‘yon kay Dong!   

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with