^

PSN Showbiz

Aktor na inaalagaan ng isang direktor, hindi na nakaalala

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon nang kagipitan nasusukat ang tunay na ugali ng tao. May naturalesa kasi, na anuman ang mangyari ay hindi nagbabago, kumpara sa paimbabaw na ugali na nand’yan lang kapag may kailangan.

May mga totoong kaibigan, meron namang tinatawag na fair weather friends lang, mga kaibigan lang sila sa panahon ng halakhakan pero nawawala na kapag may kailangan ang kanilang kapwa.

‘Yun ang naging sentrong paksa ng mga taga-showbiz isang gabi, ma­rami kasing personalidad na nananahimik sa panahon ng pangangailangan ng kanilang mga kaibigan at kasamahan, para silang nakikipaglaro ng taguan.

Kuwento ng isang source, “Iba-iba talaga ang ugali ng tao. Merong marunong tumanaw ng utang na loob. Meron namang magaling lang kapag may kailangan. Paimbabaw lang, pakitang-tao lang, pero nawawala naman sa aksiyon kapag kailangan na ang tulong nila,” madiing kuwento ng impormante.

Nagkasakit ang isang kilalang direktor, napakarami niyang natulungang artista nu’ng kasagsagan pa ng pagsigaw niya ng “Action!” at “Cut!”, pero nang magkasakit siya ay iilan lang ang tumulong sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Hindi mo talaga maiaasa sa ibang tao ang buhay mo, kaya habang maganda pa ang takbo ng career mo, kailangang matuto ka nang mag-ipon.

“Sa case naman ng director na ito, paulit-ulit kasi siyang nagkakasakit, kaya meron man siyang naipon, e, unti-unti ring naubos dahil sa pagpapaospital niya. Ngayon siya talaga nangangailangan ng ayudang pampinansiyal.

“Marami na silang tinawagan para hingan ng tulong, merong sumasagot, meron ding parang wala lang. Ngayon nila napatunayan kung sinu-sino talaga ang kaibigan sa saya at sa kagipitan.

“’Yung isang sikat na action star na tinawagan ng pamilya ni direk, agad-agad na nagpadala ng tulong, kung sino pa nga naman ang naging problemado nu’n ang may pusong tumulong sa kanyang mga kasamahan.

“May tinawagan silang isang male personality na natulungan din ni direk lalo na nu’ng nag-uumpisa pa lang, hindi man lang sila pinansin, deadma lang!

“Ang laki-laki ng naitulong ni direk sa male personality na ‘yun, tutok na tutok talaga sa kanya si direk, pero ngayong sumikat na, hindi man lang nakaalala.

“Mahirap umasa sa iba, malaking leksiyon na ito sa mga artistang kumikita nang malaki, kailangan nilang mag-ipon para pagdating nang araw ng kanilang pangangailangan, e, hindi sila mukhang namamalimos ng tulong,” napakadiing pagtatapos ng aming soruce.

Ubos!

Derek, hindi takot sa mga sinasabi tungkol kay Andrea

Maganda ang prinsipyo sa buhay ni Derek Ramsay. Meron siyang paninindigan. Sabi ng kontrobersiyal na aktor, “People will curse me for telling the truth, for being straightforward, but it will not make me happy telling lies.”

Hindi siya umiiwas sa mga tanong, sinasagot ‘yun ni Derek ayon sa kanyang pagkakaalam, maaaring meron siyang masaktan sa pagpapakatotoo pero hindi siya magsisinungaling para lang siya magustuhan ng mga nakaabang sa gusto niyang sabihin.

Saganang-sagana sa bashing si Derek at ang pakakasalan na niyang si Ellen Adarna, sabi nga ng kanilang mga tagasuporta, kung kailan daw sila maligaya ay maraming nalulungkot para sa kanila.

Mabuti na lang at matibay ang sikmura nila sa mga bashers, sumasagot pa nga kung minsan si Derek, lalo na kung talagang baligtad na ang sitwasyong pinalalabas ng iba.

Sinabi ni Derek na may kinalaman ang pamilya ni Andrea Torres sa kanilang paghihiwalay. Wala siyang anumang detalyeng ibinigay, basta sinagot lang niya ang tanong, pero umalma si Andrea.

Nag-post si Andrea na kalma lang, “Let karma finish it,” sabi ng dalaga. Aamin ba naman ito na para kay Derek ang kanyang mensahe sa social media?

Natural, takot ma-bash si Ada, kaya wala itong direktang pinatungkulan ng kanyang post. Basta bahala na raw ang karma.

Masarap interbyuhin si Derek dahil kahit pa may magalit sa kanya ay sinasabi niya ang totoo. Tutal nga naman ay katotohanan lang ang makapagpapalaya sa kanya at panahon lang ang magsasabi kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Marunong siyang mag-sorry, pero kapag nasa panig siya ng katotohanan ay paninindigan niya ‘yun, iilan lang ang lalaking may balls.

Sabi ng kaibigan naming propesor na todo ang paghanga sa paninindigan ni Derek Ramsay, hango sa isang kanta ang kanyang komento, “In a world of lies, Derek is the truth.”

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with