^

PSN Showbiz

Male personality na talented, mabait, maraming pinasasaya, ‘di pa rin mailantad ang kabadngan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mailantad ang kabadingan

MANILA, Philippines — Minsan ay nagtapat ang isang anak-anakan na­ming beki, “Kinausap ako ng parents ko. Umiiyak sila. Mabuti na lang daw at nagkaanak sila ng bakla.

“Ako kasi ang sumusuporta sa buong pamilya namin. May mga kapatid akong lalaki, malalaki ang katawan, pero ayaw namang magsipagbanat ng buto,” naluluha ring kuwento ng aming kaibigan-anak-anakan.

Sa halip na maging problema ay naging malaking biyaya pa sa kanilang pamilya ang pagiging beki ng aming kaibigan. Siya ang naging poste ng pamilya nila.

“Hirap na hirap akong magtago ng nararamdaman ko nu’n. Bilang na bilang ang mga galaw ko, ingat na ingat ako. Alam ko, magagalit ang tatay ko, galit kasi siya sa mga gay.

“Pero may katapusan ang pagpapanggap, napakahirap kasi, bukod sa malungkot ka na, e, hindi ka pa nagpapakatotoo sa sarili mo. Nag-out ako,” sabi pa ng aming kausap.

Matagal na panahon bago natanggap ng kanyang pamilya ang katotohanan. Lalo na ang kanyang ama na ang tingin sa kanya ay isang tunay na lalaki.

“Para akong maysakit, hindi nila ako isinasabay kumain. Hanggang sa may nangyari sa daddy ko, ako ang sumagot ng lahat ng kailangan niya, ako ang nagbantay sa kanya sa hospital.

“Nu’ng maayos na siya, nu’n sila nagtapat sa akin ng mommy ko. Mabuti na lang daw at nagkaanak sila ng bakla. Napakasaya ko. ‘Yun ang pinakamagandang regalong tinanggap ko, ang appreciation nila sa gender ko,” sabi pa ng aming anak-anakan.

Bakit namin sinulat ang kuwentong ito? May isang male personality na sinuwerte sa kanyang karera na hanggang ngayo’y nabubuhay sa dilim.

Alam ng kanyang mga kaibigan at kababayan na beki siya, pero hindi siya makapag-out, dahil baka makaapekto ‘yun sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.

Dinadaan lang niya ang lahat sa pagpapatawa, sa pagkilos na plakado sa beki, pero ang totoo ay ‘yun talaga siya. Closet queen siya.

Sabi ng aming source, “Wala siyang maitatago. Bata pa lang siya, e, bading na siya. Alam na alam ‘yun ng mga kalaro niya, ng mga kaibigan niya. kitang-kita na ‘yun sa kanya kahit nu’ng bata pa lang siya.

“E, ano naman ngayon kung beki siya? Kabawasan ba ‘yun sa pagkatao niya, e, love na love nga siya ng mga kababayan natin? Wala naman siyang sinasaktan at sinasagasaan, di ba?

“Siya ang poste ng family nila, gumanda ang buhay nila dahil sa talent niya sa pag-aartista! Ano ang problema? At nasaan ang problema kung beki nga siya?

“Talented siya, mabait, very humble, napakarami niyang pinasasaya, sa totoo lang, kitang-kita naman ang ebidensiyang magaling siya!” may halong pagmamalaking pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bimby, bina-bash sa interview ni Kris!

Wala kaming pakialam kung bakla si Bimby. Kung ang kanyang ina nga ay hindi problemado, kayang-kayang tanggapin ni Kris Aquino kung bakla nga ang kanyang bunso, tayo pa bang nakatanaw lang sa malayuan ang maaapektuhan kung beki nga si Bimby?

Hindi na naman nakapagpigil si Kris, sa kabila ng kanyang pangako na hindi na niya ilalagay sa mukha ng publiko ang kanyang mga anak ay ayan, isinalang niya na naman sa kumukulong tubig si Bimby.

Ang mga detalyeng dapat ay pinag-uusapan na lang nila nang pribado ay nahalukay na naman.

Ipinaalam na naman ni Kris sa buong mundo ang hindi magandang relasyon ng kanyang anak at ni James Yap.

Sino ngayon ang nalagay sa alanganin kundi si Bimby na bina-bash na naman nang todo ngayon samantalang ginawa lang naman itong bala sa kanyong ng kanyang ina?

May punto naman ang binatilyo sa pagsasabing bakit pa ito makukulangan sa pagmamahal sa kawalan ng presensiya ng kanyang ama kung hindi naman nag-eeport si James na tumawag sa kanyang anak?

At para isalba ang kanyang sarili ay tinanong pa ni Kris nang diretso si Bimby kung ipinagdadamot ba niya ang kanilang anak kay James? Natural, alangan namang sabihin ni Bimby na oo, para itulak sa putikan ang kanyang ina?

Kung mananalamin lang si Kris ay siya ang nakakaa­lam ng totoo na matagal nang hinihiram ni James si Bimby dahil ‘yun naman ang pinagkasunduan nila sa korte, pero kung anu-anong dahilan ang ibinibigay niya, susmaryosep naman!

Kailan niya naman kaya iinterbyuhin si Joshua para si Phillip Salvador naman ang mapuruhan? Tutal din lang ay kinaladkad niya na naman si da­ting Mayor Herbert Bautista na nananahimik na, pati ang basketball player na si Alvin Patrimonio, ‘di idamay niya na rin si Kuya Ipe para it’s a tie na!

Para kumpleto na ang casting!

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with