^

PSN Showbiz

Andrea at Seth, mas concerned na sa isa’t isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea at Seth, mas concerned na sa isa�t isa
Seth at Andrea

Malaki ang pasasalamat ni Andrea Brillantes sa ABS-CBN dahil sa patuloy na pagbibigay ng proyekto sa kanya. Napapanood tuwing gabi ang teleseryeng Huwag Kang Mangamba na pinagbibidahan nina Andrea at Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri. “Nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay nila sa aming apat. Kasi pagkatapos ng Kadenang Ginto meron na talagang nakaplano for us. Pero dahil sa nangyari sa pandemic and dun sa franchise, naintidihan ko na merong mga hindi magagawa ngayon kasi hindi safe ang panahon. Nangamba ako pero nando’n pa rin kasi ang paniniwala ng ABS-CBN na matibay tayo. Hindi tayo magpapabagsak at babangon tayo stronger than ever,” makahulugang pahayag ni Andrea.

Mahigit dalawang taon nang sinusuportahan ng mga tagahanga ang tambalan nina Seth at Andrea na mas kilala sa tawag na Seth-Drea. Ayon sa dalaga ay talagang lumalim na ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni Seth. “Nasa point na nagkakainisan na kami. Gano’n na kami kakumportable sa isa’t isa at nag-aasaran kami, magkatrabaho kami. Pero ngayon talaga iba na ‘yung care namin sa isa’t isa,” pagtatapat ng dalaga.

Para kay Andrea ay malaki na rin umano ang ipinagbago ni Seth mula noong una niya itong makilala at makasama. “Nakikita ko na mas nag-mature siya, mas nag-grow and mas naging gentleman siya, maalaga siya. Kasi dati mapang-asar lang talaga siya. Ngayon mas malalim na siya bilang tao. ‘Yung mga words na ginagamit niya ‘pag nag-a-advise siya sa akin ay mas lumalim talaga. Nag-mature talaga kami mula sa unang pagkikita namin na ‘yung topic lang namin ‘yung mga mata niya. Ngayon pati ‘yung pinagdadaanan namin sa life nase-share na namin sa isa’t isa. Napagsasabihan na namin ang isa’t isa kapag meron na siyang off na ginagawa, hindi na tino-tolerate. Ngayon mas concerned na kami sa isa’t isa,” pagtatapat ng aktres.    

Kaye, priority na ang pamilya kesa sa showbiz

Mula nang mapangasawa si Paul Jake Castillo ay sa Cebu na nanirahan si Kaye Abad. Ipinagbubuntis ngayon ng aktres ang kanilang pangalawang anak ng dating Pinoy Big Brother housemate. Taong 2019 nang huling makagawa ng proyekto si Kaye kaya talaga namang hinahanap-hanap na nito ngayon ang pag-arte sa harap ng kamera. “Gusto ko, gustung-gusto kong bumalik pero ang hirap. I think buntis na ako no’n, I just found out na I was pregnant and then nag-text ang handler ko. May offer sila na soap opera. Maganda ang role, maganda lahat. Kaya lang hindi pwede, buntis na ako,” bungad ni Kaye.

Malaki na ang nagbago sa pananaw ng aktres sa buhay nang magkaroon ng sariling pamilya. “Priority ko talaga ngayon is family muna. Makabuo ng family kasi kung magtatrabaho ako ng full time, let’s say I would stay there sa Manila ng mga three months the most. Hindi naman ako mabubuntis sa Maynila nang wala ang asawa ko,” natatawang pahayag niya.

Kung sakaling dumating ang panahon na gusto ring maging artista ng mga anak ay hindi raw ito pipigilan ni Kaye. “Siguro kapag medyo may isip na sila. Kung gusto talaga nila ha. But hindi ko sila ipipilit. Kung gusto talaga nila, sige, pero kapag tipong 13 to 14 (years old) na sila. ‘Pag gano’n na ­siguro,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with