^

PSN Showbiz

Direktor ng OTWOL at Sino Ang May Sala, nagpakitang gilas sa American ­producers

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pala kagandahan ng tanawin sa Pilipinas at talento ng mga artistang Pinoy ang ibinibida sa ser­yeng Almost Paradise mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment.

Tampok din dito ang husay ng mga Pilipinong direktor katulad ni Dan Villegas, ang premyado at kilalang direktor ng mga pelikulang Changing Partners at English Only, Please at mga teleserye tulad ng On The Wings of Love at  Sino Ang May Sala?: Mea Culpa.

Si Dan ang nagdirehe ng ika-apat na episode ng crime drama series.

Aniya, tinanggap niya ang proyekto dahil tagahanga siya ng mga producer ng Electric Entertainment na kinabibilangan ng tanyag na Hollywood producer na si Dean Devlin.

Dagdag pa niya, pagkakataon din itong maipakita ang kakayahan niya sa mundo dahil bago pa umere rito, ipinalabas na rin sa Amerika noong 2020 ang kauna-unahang American TV series na dito kinunan nang buo sa bansa.

Sa episode na pinamagatang Pistol Whip, magkahalong Pinoy at foreigner ang cast na dinirek ni Dan, sa pangunguna ng bida ng serye na si Christian Kane at mga Pilipino aktor na sina No­nie Buencamino, Art Acuna, Samantha Richelle, Ces Quesada, Annicka Dolonius, Ketchup Eusebio, Maritina Romulo, Bettina Magsaysay, Mariella Laurel at Boom Labrusca.

Ayon kay Dan, na isa ring kilalang producer at cinematographer, “exciting” at “humbling” ang kanyang karanasan sa programa kung saan marami rin siyang natutunan.  “They were very professional and disciplined. I would love to collaborate with them again in the future,” sambit niya tungkol sa mga nakatrabahong banyaga.

Para naman sa mga kapwa niya Pinoy sa likod at harap ng kamera, tunay raw na “Filipino talent is global” sa kanilang ipinakita.

Isa si Dan sa apat na Pilipino direktor ng Almost Paradise kasama sina Francis Dela Torre, Hannah Espia at Irene Villamor.

Nam Joo-Hyuk, nag-message sa pinoy fans

Nabuhayan na naman ng dugo ang mga K-drama fans sa message ni Nam Joo-hyuk na “Mahal ko kayo Filipinos!” para sa kanyang Pinoy fans na shared ng social media account ng Korean Cultural Center of the Philippines na libu-libo ang naging share.

Kinabaliwan si Nam Joo-hyuk sa mga K-drama na Start-Up and Weightlifting Fairy Kim Bok-joo at marami pang iba.

Nakarating na siya sa bansa pero bad ang naging karanasan niya nang hipu-hipuan siya ng Pinoy fans. Kinuyog siya ng mga ito sa isang fan mee­ting na sponsored ng clothing company na ine-endorse niya.

Kasama noon ni Nam sa nasabing fan meeting si Sandara Park at kitang-kita sa mga kumalat na video na hinipuan talaga siya na hindi na na-control ng mga bouncer na nakapaligid sa kanya.

Actually, isang nakaka-miss ngayong pandemic ay ang fan meeting ng mga Oppa. Hahaha.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with