^

PSN Showbiz

New normal edition ng the EDDYS, star studded

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
New normal edition ng the EDDYS, star studded
Charlie Dizon

Fan Girl big winner; Paulo, Charlie waging best actor at best actress

Wow, one for the books ang katatapos na 4th Eddys (new normal edition) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ibang-iba sa mga naunang The EDDYS.

This year, of course, virtual edition na napanood sa FDCP channel, official Facebook page ng SPEEd at iba’t ibang digital platforms.

Ahhh nakaka-miss ‘yung nasa venue kayo,  bihis na bihis at physical ang interaction na malabo pang mangyari sa atin dahil as it is, grabe pa ang additional positive cases everyday. Mas marami pa kesa last year.

Ang prediction ng ilang doktor, at least two years pa bago talagang magkaroon ng normalcy sa ating bansa.

At any rate, sa kabila nga ng pandemya, naitawid ng SPEEd ang #EddysQuatro sa pangu­nguna ng presidente naming si Ian Fariñas ng People’s Tonight sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chair Liza Diño.

Ang naging advantage lang ng new normal edition, mas maraming nominees na ‘dumating’ sa Zoom room.

Nanood sila ng almost three hours presentation na binuo ng pagbibigay ng Isah V. Red Award, ICON and Posthumous recognition, In memoriam na ang dami palang nawala at pumanaw na sa lumipas na mahigit isang taon.

This year inilunsad din ang Special Service Award na ang recipient ay si Chair Liza na sobrang nagulat na kinilala ang kanyang mga pagtulong sa mga taga-industriya sa panahon ng pandemya.

Lahat din ng honorees ay nagpahatid ng pasasalamat sa natanggap nilang pagkilala sa pamamagitan ng video messages.

Dumagsa rin ang maraming bumpers – in bet­ween commercial break, kaya naman talagang star studded ang new normal edition ng The EDDYS.

At in all fairness, na-master na rin ang award-winning Kapamilya star / host na si Robi Domingo ang pagho-host na nakasama ng mga opisyal at miyembro ng organisasyon ng editors ng broadsheets and tabloids.

Ang presentation ay dinirek ni Ice Seguerra.

Anyway, humakot ng parangal ang pelikulang Fan Girl.

Pito sa 14 tropeo na ipinamigay sa gabi ng parangal ang naiuwi ng pelikulang Fan Girl kabilang na ang Best Actress para kay Charlie Dizon at Best Actor para kay Paulo Avelino.

Nagwagi rin si Antoinette Jadaone bilang Best Director para sa nasabing pelikula at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.

Ito rin ang 4th EDDYS Best Picture.

Sa technical awards naman, nakuha rin ng pelikula ang Best Sound at Best Editing.

Waging Best Supporting Actor si Edgar Allan Guzman para sa pelikulang Coming Home habang itinanghal namang Best Supporting Actress si Shaina Magdayao para sa pelikulang Tagpuan.

Nakibahagi rin sa awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos na siyang nag-present ng mga nominado para sa best actress habang si Dingdong Dantes ang naghayag ng best actor nominees.

Walang leakage ang mga nanalo, dahil hawak ng official auditor, si Mr. Juancho Robles, ang result nito.

Narito ang listahan ng iba pang nagwagi sa 4th EDDYS ng SPEEd.

Best Screenplay - Antoinette Jadaone (Fan Girl)

Best Cinematography - Rody Lacap (Magikland)

Best Visual Effects - Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)

Best Musical Score - Tie - On Vodka, Beers And Regrets & The Boy Foretold By The Stars

Best Production Design - Ericson Navarro (Magikland)

Best Sound - Vincent Villa (Fan Girl)

Best Editing - Benjamin Tolentino (Fan Girl)

Best Original - Theme Song - Ulan (The Boy Foretold By The Stars).

 

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with