^

PSN Showbiz

MBC-DZRH inilunsad ang short film competition

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
MBC-DZRH inilunsad ang short film competition

Inilunsad kamakailan ng Manila Broadcasting Company ang isang short film competition bilang pagkilala sa pagtaas ng antas ng pelikulang Pilipino.  Ang MBC Short Film Festival (MSFF) ay tumatanggap na ng mga kalahok, maging short feature, narrative documentary, o ‘di kaya’y animation, mula sa mga amateur at professional na mga producer o director sa buong bansa. Dapat mailarawan sa hindi hihigit na 20 minuto ang isang kakaibang kuwento base sa tunay na buhay, kung saan ang bida’y magtatagumpay sa mga balakid o dagok na kanyang hinaharap. Pipili ng 15 pelikula para sa final competition, na gaganapin mula Agosto 16-30, 2021. 

Tatanggap naman ng tig-P75,000 ang mga category winner, na siyang pagpipilian para sa magwawagi ng Grand Prize, kung saan ang kabuuang premyong iuuwi ay P150,000 tax-free.

Ang short film competition ay natatanging handog ng MBC para sa anibersaryo ng DZRH, na patuloy na naninilbihan sa himpapawid mula pa noong 1939. 

Sa DZRH unang pumaimbulog ang mga drama sa radio, na patuloy na kinagigiliwan ng mga tagapakinig hanggang ngayon, bukod pa sa balita at impormasyon na inaasahan ng publiko sa pang-araw-araw. 

Ngayon, magiging katuwang ng pelikulang Pilipino ang MBC-DZRH upang maibahagi sa buong mundo ang mga de-kalidad na obra sa pamamagitan ng digital platforms ng pangunahing istasyon sa radyo.

Sa June 15, 2021 ang deadline ng pagsumite ng mga kalahok. 

Abangan ang iba pang detalye ng pagsali sa kanilang official website:   www.mbcfilmfest.com;  makikita rin ito sa official Facebook page ng MBC Short Film Festival.  

vuukle comment

FILM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with