^

PSN Showbiz

Toni at Paul, hindi perpekto ang relasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Toni at Paul, hindi perpekto ang relasyon
Seve, Paul at Toni

Mag-aanim na taon nang mag-asawa sina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Ayon sa aktres ay normal lamang sa kanilang relasyon ng direktor na mayroong mga bagay hindi napagkakasunduan paminsan-minsan. “Hindi perfect ang relationship. Pero together after overcoming every struggle, nape-perfect through time. Parang cooking lang ‘yan. Eh kasi matagal na ‘yon naghintay so parang gigil na rin siya. Parang na-excite na rin siya no’n. Ako naman, ninenerbiyos ka do’n sa bagong chapter ng buhay mo. Hindi mo alam how you will do. So natatakot ako na excited ako na masaya. Pero parang kinakabahan kasi first time kong aalis sa bahay namin. I remember ‘pag uuwi ako sa Taytay, didiretso ka through ‘yung crosswalk. I remember lumiko na ako sa right no’n pa-south na. Naiyak ako no’ng una kong uwi. PBB (Pinoy Big Brother), after Eviction Night una kong uwi na umuwi ako as may asawa, umiyak ako. Kasi for thirty years ng buhay ko, do’n ako umuuwi sa lane na ‘yon, tapos lumiko ako. Kasi it didn’t feel like home yet,” pagbabahagi ni Toni.

Maglilimang taong gulang na si Seve na anak ng mag-asawa. Mula nang magkaroong ng supling noong 2016 ay nabawasan na ang mga ginagawang proyekto ni Toni. “ I was able to let go. I was able to say no. That was the point in my life na I realized, there’s beauty in saying no. You have to make your yes valuable. You cannot give your yes to a lot of people because it will not have value anymore. If yes ka nang yes sa lahat ng tao, then you’re giving your yes way too much. Wala na siyang value. My thinking before was, opportunity only knocks once, so bakit ako tatanggi? Minsan dada-ting ka pala sa point in your life where no means saying yes to yourself. Saying no to them is actually saying yes to yourself,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Winwyn, naranasang magbenta ng tinapay

Magbibida si Winwyn Marquez sa pelikulang Nelia. Ang istorya nito ay tungkol sa mga taong nakararanas o nagkakaroon ng mental illness. Kinailangan umanong kumunsulta ng aktres sa psychologist upang mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa bagong proyekto. “I have consulted psychologist friends kung paano kumilos ang isang taong may mental illness. Kasi they are experts in that field. Kasi very challenging siya. they made me read the full script and after I did, I said yes kasi it would be foolish for any actress na pakawalan ang ganito kagandang role. Ngayon pa lang po ako magkakaroon ng ganitong klaseng role,” pahayag ni Winwyn.

Samantala, noong isang taon ay naranasan ng dalaga na magbenta ng tinapay dahil sa kawalan ng ginagawang proyekto. “Nagbenta ako ng pandesal. I learned how to bake and cook. During the pandemic talagang gumawa ako ng way na ‘yung past time ko, dapat ay may matutunan din ako. Hindi pwedeng nakahiga lang or walang ginagawa. Hindi po ako marunong mag-cook pero during the pandemic ay natuto po ako and then I learned how to bake. And I’m very happy and fortunate na ‘yung mga nandito po sa village namin, they really bought from me at nag-o-order sila,” kwento ng beauty queen-actress. Reports from JCC

 

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with