^

PSN Showbiz

Coco, inisa-isa kung paano nakapagpundar!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, inisa-isa kung paano nakapagpundar!
Coco

Marami nang naipundar si Coco Martin sa loob ng dalawang dekadang pamamalagi sa show business. Para sa aktor ay kailangan talagang pahalagahan ang lahat ng kinikitang salapi mula sa kanyang mga pinaghirapang trabaho. “Siyempre unang-una ang pera dapat tinitipid, itinatago, may pinaghahandaan. Dapat bina-value mo kung saan mo siya gagamitin. At kung maaari, kung kaya kong may magandang pag-invest-an, siyempre dapat pag-isipan mo ring mabuti dahil hindi naman lahat ng negosyo ay nagiging successful,” pahayag ni Coco.

Sa pagbili ng iba’t ibang properties inilalaan ng aktor ang kanyang salapi para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay. “Para kahit paano balang araw, pagtanda mo ay makikita mo pa rin lahat ng pinaghirapan mo at mapapakinabangan ng magi­ging pamilya mo,” giit niya.

Mayroong payo si Coco para sa lahat ng nais ding makapagpundar balang araw. “Magsipag, magpursige. Sa mga kabataan, mag-aral kayo, magtapos kayo ng pag-aaral para magkaroon kayo ng magandang trabaho, ng magandang kinabukasan. Sipag lang at saka tiyaga. Huwag mong bigyan ng limitasyon ang sarili mo kahit ano man ang pinagdadaanan ng ating bansa ngayon. Kapag gusto mo walang makakapigil sa iyo. Ako nagtapos ako ng college, nag-writer ako, nag-janitor ako, hanggang sa nakapasok ako sa mundo ng show business. Pero sabi ko, hindi naman ‘yon na ‘yun eh. Nagsumikap ako, nagpursige ako. Kapag pinagbutihan mo may mararating ka at makakaipon ka para sa pamilya mo at para sa kinabukasan mo,” pagbabahagi ng aktor.

Paulo, pini-pressure ang sarili sa trabaho

Napapanood na ngayon sa iWant ang Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz na pinagbibidahan nina Paulo Angeles at Ina Raymundo. Masayang-masaya si Paulo dahil kahit may pandemyang kinakaharap ang bansa ay mayroon siyang nagawang proyekto. “I feel blessed kasi kahit na pandemic natutuluy-tuloy pa rin. May mga kilala akong matagal nang hindi nagkakaroon. So blessed pa rin and sana tuluy-tuloy sa ating lahat. Actually sana lahat magka-work. ‘Yon kasi ‘yung pinaka-kailangan ngayon eh. Madaming nawalan ng trabaho, maraming naghahanap ng trabaho,” bungad ni Paulo.

Aminado ang aktor na talagang nahirapan siya sa natu­rang digital series lalo pa’t hirap sa pagsasalita ng malalim na Tagalog. “Na-pressure ako sa poetry, malalalim ‘yung words. Hindi ko siya pangkaraniwan na ginagamit. Halos hindi nga ako makatulog eh. Pressure siya pero no’ng nando’n na sa set, hindi ko alam kung paano biglang pumasok na lang sa utak ko lahat ng words. Mas maganda pala kung hindi mo iisipin ‘yung mga words,” kuwento ng binata.

Ayon kay Paulo ay talagang pinaghuhusayan niya ang lahat ng trabaho na kanyang ginagawa. Ayaw umanong mapahiya ng aktor sa mga taong nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang makapagbida sa isang proeykto. “Kasi ayaw kong ma-disappoint sila. Pini-presure ko ‘yung sarili ko kasi gusto kong gawin ‘yung pinakakaya ko. Kung magkamali man ako, at least may natutunan ako,” pagtatapos ng aktor.  Reports from JCC)                            

 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with