^

PSN Showbiz

Maja umaming nagkaroon ng anxiety, umiwas sagutin ang mga intriga!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja umaming nagkaroon ng anxiety, umiwas sagutin ang mga intriga!
Maja at Noel

Walang napiga kay Maja Salvador sa mga intriga sa kanya tungkol sa ABS-CBN, sa pag-e-encourage diumano niya sa ibang stars na lumipat sa TV5, sa offer ng GMA 7, sa mga iha-handle nilang mga artist sa kanyang management group, etc. etc.

Ang sinagot lang niya ay ang tungkol sa kanyang unang teleserye sa TV5 and Cignal TV na tatalakay sa faith ng isang tao, ang Niña Niño.

Ang inamin niya lang ay nagkaroon siya ng anxiety bago niya gawin ang Niña Niño.

“Nahirapan of course, nahirapan, nagkaroon ako ng anxiety, ang laki ng leaf na ginawa ko. Kasi andun yung kino-question ko rin kung ok ba ito, tama ba ang ginagawa ko.

“Pero after na storycon, taping, etc. unti-unti gumagaan ang pakiramdam ko.

“Sa buhay naman may mga kailangan kang daanan.

“Sa buhay hindi lahat ng gusto mo makukuha mo agad-agad.

“May mga kailangan kang pagdaanan pero pag nakapag-adjust ka naman madali mo nang tanggapin. Na ‘pag na­pagdaanan mo magiging proud ka sa sarili alam mong kahit anong hirap hindi ka nag-give up,” sagot ni Maja kahapon sa virtual media conference ng Niña Niño.

Masaya na rin siya na nagkaroon siya ng chance na may ibang makatrabaho.

At kung meron mang ibang mga ibang intriga, ayon kay Maja “tawanan na lang natin ang mga lumalabas. Wala namang ibang nakakaalam niyan kundi ang nasa Itaas.”

Admitted din siyang mahirap mag-manage ng sarili under her management team. Aniya : “Walang suwerte-suwerte, hindi madali ang buhay,” sabi niya.
Dagdag pa niya “Hindi lang dasal, dapat katulong ka rin ng Diyos,” say niya pa kung ano ang mga natutunan niya ngayon.

Pero ang pinakamahirap na nangyari sa kanya lately ay ang pagkawala ng kanyang tita dahil sa COVID.

Survivor daw ito ng kidney transplant for 20 years, pero hindi kinaya ang virus.

At sa kabila ng mga nangyayari, never daw niyang naisip na lumayas ng showbiz. “Hinga ka lang, punta sa beach, paganda ka, pose ka. Sobrang love ko ang industry, ang craft na ito, hindi ko iiwan,” banggit pa niya sa virtual mediacon.

Primetime Majesty ang title na binigay kay Maja ng TV5 pero ayon sa actress, wala pa ring puwedeng tumalo kina Judy Ann Santos and Claudine Barretto pagdating sa aktingan.

Sa kasalukuyan ay freelance si Maja at puwede raw siya kahit saan.

Anyway, Maja plays the lead role of Niña, the older half of the sibling duo sa feel-good drama-comedy with 2017 Cinemalaya Best Actor Noel Comia Jr., plays her younger brother Niño who ventures out to the big city with her and discovers that life is anything but a bed of roses.

Para nga maka-survive, they turn to extraordinary mea­sures to make ends meet as con-artists who scam their way to earn an extra buck. An event will upend their lives and change the course of their destinies forever.

Joining Maja and Noel are comedian Empoy Marquez, and veteran actors Lilet Esteban and Ruby Ruiz whose role as the siblings’ grandmother holds an integral part of explai­ning the dynamics between the duo. Nasa cast din sina Ian Pangilinan, Sachzna, Junyka Santarin, Arron Villaflor, Moi Bien and Dudz Teraña. At the helm of the series is award-winning director Thop Nazareno.

Produced by Cignal Entertainment and line-produced by CS Studios and Spring Films led by Erickson Raymundo, veteran director Joyce Bernal, and  Piolo Pascual. Niña Niño is set to air starting April 5, 7:15 p.m. Mondays to Fridays, after Sing Galing and right before FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with