^

PSN Showbiz

Gardo, mangingilin sa TikTok sa Semana Santa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gardo, mangingilin sa TikTok sa Semana Santa
Gardo

Kahit paano ay sinusunod pa rin pala talaga ni Gardo Versoza ang nakaugalian nilang paniniwala kapag Semana Santa.

Kuwento sa amin ng aktor nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Lunes ng gabi, namulat daw siya sa lumang gawain at paniniwala ‘pag sumapit ang Semana Santa.

Nasa bahay lang daw sila, hindi naliligo, walang ginagawa kundi magdasal lang.

“Sa amin kasi nu’ng bata pa ako, bawal maligo, bawal manood ng TV. Radio yata puwede, bawal manahi. Basta dapat magdasal ka lang sa bahay, wala ka nang ibang gagawin,” kuwento pa ni Gardo.

Sa ngayon ay ginagawa pa rin daw niya ‘yun, pero hindi naman daw kagaya noong maliit pa siya.

Nag-a-adjust naman daw siya sa asawa niya sa at sa kanyang anak na hindi naman. “Kung ano ‘yung kusa na nagustuhan nila, ‘yun ang papanigan ko,” sabi pa ng aktor.

Ang sure lang daw siya na hindi muna niya gagawin sa Semana Santa ay ang mag-TikTok. “Bawal muna TikTok ‘pag Semana Santa,” natatawa niyang pahayag.

“Pero mag-mahal na araw, magpondo ka na ng mga TikTok para nakaabang na siya.

“Baka kasi mamaya dun pa ako matapilok, kasi naka-heels pa ‘di ba?”

Ang laki ng pasasalamat ni Gardo sa Panginoon na kahit nasa pandemya, hindi siya nawawalan. Ang laki nang nagawa ng mga TikTok posts niya na kinakagat ng netizens, kahit asiwang-asiwa raw minsan ang asawa niya sa mga pinaggagagawa niya. Pero dahil dito, tuluy-tuloy ang trabaho niya, at ang daming projects na dumarating sa kanya.

Pagkatapos ng The House Arrest of Us, may kasunod agad itong First Yaya na kasisimula lamang niya. At may mga nagawa siyang pelikula, ang Biyernes Santo na mapapanood na sa Vivamax sa darating na March 26.

Liza, kinuyog ng DDS

Muli na namang nag-trending si Liza Soberano sa kanyang ipinost sa Twitter account tungkol sa kalagayan nga bansa, at ang concern niya sa mga mahihirap.

Sabi niya sa kanyang tweet noong Lunes ng gabi.

Kaagad na dinagsa ito ng mga komento mula sa netizens, pati ang mga political analysts.

May mga nagsasabing huwag naman ikumpara ang Pilipinas na third world country sa isang powerful na bansa.

Naging venue ang Twitter account ni Liza sa balitaktakan na kung saan nag-post ng kani-kanilang opinyon.

Pero kahit acceptable naman ang mga pahayag ng bawat isa, marami ang natuwa at pumuri kay Liza.

Matapang siyang naglabas ng kanyang saloobin sa nangyayari sa atin ngayon. Gina­gamit daw niya nang maayos at talagang may relevance ang kanyang sariling platform.

Hindi maiwasang kuyugin si Liza ng mga DDS pero marami naman ang nagtatanggol sa kanya.

May ilang netizens ngang nabaling ang aten­syon sa kilalang TikToker na si Jam Magno na laging nagtatanggol sa ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Lagi raw kasing sinasabi nitong Jam Magno na mga negatron ang mga bumabatikos sa Pangulo at ilang Cabinet officials, pero siya naman daw talaga ang tunay na negatron.

Napapag-usapan tuloy na nakakatanggap na raw ng suweldo itong si Magno at libreng pinapatira sa isang condo unit sa BGC with matching transportation service pa ng kampo ng pamahalaan.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with