^

PSN Showbiz

Mga bagong kanta, may patama?!

Pilipino Star Ngayon
Mga bagong kanta, may patama?!
Ely
STAR/File

Ang musika ay hindi lamang isang uri ng libangan. Ito ay may kapangyarihan at nagtataglay ng mas malalim na kahulugan upang makapaghatid ng mensahe at magamit na instrumento para sa pagbabago.

Hindi lamang iisang beses ginamit ang musika upang ipamahagi ang mga nagkakaisang saloobin ng s­ambayanan.

Kamakailan, lumutang sa Internet ang ilang mang-aawit na nagpapahayag ng pagkadismaya sa dinaranas na hirap ng mga Filipino sa kasalukuyan nating kalagayan at kung ano ang mga katangian ng isang lider na dapat iboto sa susunod na halalan.

Isa na rito si Ely Buendia, dating miyembro ng grupong Eraserheads, sa kanyang kantang Metro.

Sa pamamagitan ng kanta, ibinahagi ni Buendia ang kanyang pananaw hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Naipabatid ni Buendia ang kanyang saloobin tungkol sa umiiral na sistema sa lipunan tulad ng pagbubulag-bulagan sa mga pahirap sa bayan at pagbibingi-bingihan ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Tulad ni Buendia, isang video rin ni Freddie Aguilar mula sa YouTube ang lumitaw kamakailan. Sa naturang video, makikitang kumakanta si Aguilar ng bago niyang awitin na Ang Lider.

Sa kanyang awitin, ipinahayag ni Aguilar ang kanyang saloobin dahil sa patuloy na pagsadsad ng ekonomiya ng Pilipinas kung saan marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya na dulot ng COVID-19 na nararanasan ng buong mundo.

Kabilang din ang grupong Aegis na naglabas ng kanilang awitin na tuwirang tumatalakay sa pagkadismaya pero nanatiling umaasa na may bukas pa kaya kailangan nang bumangon ng bansa. Ang awitin ay may titulong May Bukas Pa Bangon Bayan.

Bukod sa Aegis, ang grupong Asin sa pangunguna ni Lolita Carbon, na itinuturing ng isang alamat, ay may inilabas din na kanta. Ito ay ang Bayan Kong Mahal. Sa awitin, sinabi ni Carbon ang mga katangian ng isang lider na dapat maluklok sa pagka

Sa awitin, sinabi ni Carbon ang mga katangian ng isang lider na dapat maluklok sa pagkapangulo.

Aniya, dapat ang isang lider ay may paninindigan, may sipag, may talino at sa pamumuno ay tapat.

Ang mga awitin nina Ely Buendia, Freddie Aguilar, Aegis at ng grupong Asin ni Lolita Carbon ay naka-post sa YouTube channel ng WeNeedALeaderPH

vuukle comment

ELY BUENDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with