^

PSN Showbiz

Pagiging talent manager ni Maja, kinukuwestiyon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Pagiging talent manager ni Maja, kinukuwestiyon
Maja

Magkakaalaman na kung sino ang loyal at hindi loyal ngayong nagtayo na si Maja Salvador ng talent agency, huh!

Ang boyfriend na ang lumalabas na katuwang ni Maja sa agency. Eh nasaan si Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Naging open si Maja nang lumipat siya sa TV5 na malaking dahilan si Mr. M kaya sumali siya sa Sunday noontime show ng network.

Balitang magkakaroon siya ng bagong series sa network. So sino ang makakasama niya sa series?

Eh ‘yung ibang Star Magic talents, nanatiling Kapamilya kahit sa digital platform lang napapanood ang show nila.

Sa sitwasyon ngayon, ang hirap kumuha o mag-mold ng bagong talents. Pera ang mala­king factor para i-build up ang isang talent at dapat, may talent talaga para bumenta, huh!

Kailangan din, hindi identified sa isa lang na network ang isang talent agency kung gusto nitong kumita.

Handa bang makipag-negotiate si Maja sa Kapuso management upang maibenta ang talents niya rito?

Nagtataka kami kung sino ang kumumbinsi kay Maja na magtayo ng talent agency eh wala naman siyang kaalaman pagdating sa trabahong ‘yan, huh! Ano kaya ang sey ni Manay Lolit Solis sa pagiging talent manager ngayon ni Maja? Wait namin ang reaksyon niya sa column niya rin dito sa PSN at sa kanyang Instagram account! Hehehe!

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with