^

PSN Showbiz

Tina Paner at Ysabel Ortega, magkakasubukan sa Game of the Gens

Pilipino Star Ngayon

G na G sa paghahatid ng good vibes ang Game of the Gens hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras, kasama ang Gen Dolls, sa episode ng Game of the Gens nga­yong Linggo (March 7).

Mapupuno ng saya at tiyak na kapupulutan ng impormasyon ang tagisan sa pagsagot ng fun trivias ng mag-inang Tina at Shane Paner laban kina Voltes V: Legacy star Ysabel Ortega at uncle niyang si Robert Ortega.

Kaninong tandem ang mas matinik sa pagsagot sa mga trivia? Abangan ‘yan ngayong Linggo sa Game of the Gens, 7:45 p.m, sa GTV!

Showtime may chance din ba sa TV5?

Wala kayang chance na mapanood sa TV5 ang It’s Showtime?

Nagkaroon actually ng issue dati na kasama ito sa ipapalabas din sa Kapatid network pero diumano’y pumik-up ang Launch Out Loud kaya sa ngayon daw ay steady muna ang LOL.

Anyway, pagalingan ng pagpapasaya sa madlang people ang kailangang ipamalas ng contestants sa “Versus,” na  pinakabagong segment ng Kapamilya noontime show kung saan pwede silang magpakitang gilas at manalo ng papremyo may totoong talento man o wala.

Kailangang magaling pumili ang challenger na kanilang hahamunin dahil maaa­ring “havey” o totoong may talento ang “abanger” o kaya sila ay “waley” at niloko lang ang madlang people sa kanyang ta­lento.

Nasa kamay naman ng mga hurado ang mananalo sa kumpetisyon dahil pagbobotohan nila ang contestant na mas nagpabilib sa kanila. Sa ngayon, nakaupo bilang mga hurado sina Roxanne Guinoo-Yap at Jerrald Napoles, habang nagpapalitan naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu bilang ikatlong judge.

Ang mananalo sa araw na iyon ay mag-uuwi ng P10,000 at uusad sa susunod na round para sa weekly finals kung saan pwede silang manalo ng P20,000, habang magpapaalam na sa kumpetisyon ang kanyang kalaban at mag-uuwi naman ng P5,000.

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with