^

PSN Showbiz

‘Di pinatulan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Hindi pinatulan nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria ang mga parinig ni Claudine Barretto.

Simula nang hayagang inamin nina Raymart at Jodi ang kanilang relasyon ay may mga comment na si Claudine. Una riyan, nasabi niyang hindi man lang daw nagpasintabi si Jodi na makikipagrelasyon iyon sa dati niyang asawa kahit na nakakapag-usap naman sila dati. Nasundan pa iyon ng comment niyang ok na tatay daw si Raymart sa kanilang mga anak, dahil kahit na papaano nga ay may panahon iyon sa mga bata bago nakipagrelasyon kay Jodi. Nitong huli, matindi na talaga dahil sinasabi na niyang si Jodi ay hindi maganda ang impluwensiya kay Raymart.

May fans pang inisa-isa, na obviously kampi kay Claudine, na simula raw nang mahiwalay din si Jodi sa naunang asawang si Pampi Lacson, nagdaan na rin iyon kay Jolo Revilla, bago naging syota ni Raymart, na sinagot naman ng mga kalaban nila na si Claudine din naman nagkaroon na ng relasyon kina Mark Anthony Fernandez at kay Rico Yan bago pinakasalan ni Raymart.

Ang punto lang naman nila, talagang wala nang pakialam si Raymart sa nakaraan ng isang babae basta minahal niya.

Muli ring binuhay ni Claudine ang demanda laban kay Raymart na hindi raw nakukumpleto ang sustento sa mga anak nila na batay sa itinakda ng korte.

Pero hindi nga pinatulan nina Raymart at Jodi ang lahat ng iyan. Puro magagandang bagay lamang ang kanilang inilalabas sa kanyang social media account. Parang ipinapakita nilang ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon ay wala silang pakialam.

Tama rin naman ang attitude na iyon. Ang relasyon nila ay sa pagitan lang naman nilang dalawa. Tama namang huwag nilang hayaan iyong pakialaman pa ng ibang mga tao.

Sina Raymart at Claudine ay matagal na rin namang hiwalay at walang masasabing may kinalaman si Jodi sa paghihiwalay nila. Si Jodi ay matagal na ring hiwalay kay Pampi na ngayon ay asawa na nga ni Iwa Moto.

Barbie, malakas sa fans

Mataas ang ratings ng serye ni Barbie Forteza, at siyem­pre ang kredito ay sa kanilang lahat. Lagi namang sinasabi kahit na ng mga artista na ang isang serye ay team effort kaya ang tagumpay noon ay sa kredito ng lahat ng mga artista, ng creative team at maging ng mga crew.

Pero kung pag-aaralan ninyo ang records, lahat ng ginawang serye ni Barbie ay maganda ang resulta kahit na wala siyang big stars na kasama. Isipin ninyo noong araw, maging ang mga serye na ang kasama lamang niya ay si Joshua Dionisio naging malaking hit.

Nasayang naman dahil si Joshua ay tumigil dahil sa kanyang pag-aaral, tapos hindi na nabawi ang kanyang popularidad noong magbalik.

Pero si Barbie, nagpatuloy ang akyat ng career, at siguro nga maituturing na siyang isang major star sa ngayon.

Kung natatandaan ninyo, naging best actress na siya sa Fantasporto International Film Festival dahil sa pelikula niyang Laut, at naging best supporting actress sa CineMalaya sa pelikula niyang Mariquina, na nagbigay din sa kanya ng award mula sa Manunuri.

Bukod pa iyan sa ibang awards mula sa minor award giving bodies. Kaya nga ba kung top rater ang kanyang mga serye, masasabing may karapatan naman talaga si Barbie Forteza?

Aktor na may GF, kabit ng ‘tito’

Ang alam ng kanyang girlfriend ay wholesome ang pamumuhay kahit na nga hindi masyadong wholesome ang kanyang image dahil lagi na lang siyang nakahubad. Iyon na yata ang laging costume niya saan man siya lumabas, hubad.

Hindi alam ni girlfriend na may itinatago pang sikreto ang male star. Mayroon siyang isang secret condo sa Taguig kung saan sila nagkikita ng isang gay businessman sa tuwing iyon ay pumupunta sa Manila. Based kasi sa Visayas ang gay businessman.

In all fairness din naman dahil hindi naman bulgar ang kanyang pagiging gay kaya protected din ang male star. Ang tawag sa kanya ng male star ay “tito” at sinasabi niyang pamangkin niya iyon.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

JODI STA. MARIA

RAYMART SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with