^

PSN Showbiz

Anjo walang malay sa ginawa ng mga co-host

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anjo walang malay sa ginawa ng mga co-host
Janno at Anjo
STAR/ File

Nalulungkot si Anjo Yllana nang nabalitaan niyang tinanggal na sina Janno Gibbs at Kitkat sa programa nilang Happy Time. Wala raw talaga siyang alam sa plano ng management ng programa dahil hindi pa naman siya kinakausap.

Nagulat nga siya nang sinabi kong naglabas na ng statement si Janno ganundin si Kitkat na masama ang loob pero nirerespeto raw niya ng desisyon ng management.

Hindi pa raw sila nagkausap ni Janno at ganundin si Kitkat. Hinihintay lang daw niyang tawagan siya ng mga co-host niya para mapag-usapan ang nangyari. “Siguro mainit pa kasi yung nangyari. Tini-text ko si Janno, ‘kumusta ka tol? Okay naman daw siya. Tinawagan ko, hindi sumasagot. Palamigin ko na lang muna,” sabi pa niya.

Pagdating sa desisyon kung papalitan na ba sina Janno at Kitkat, wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang management. “Masaya naman sina Boobsie. Okay siya eh. Pero nalulungkot lang ako. Kasi siyempre kami yung original eh. Sila yung kasama ko nung nagsimula ang Happy Time,” banggit pa niya.

Julie Anne hindi inasahang may kilig kay David

Natapos na pala ni Julie Anne San Jose ang first cycle ng taping ng bagong drama series niya para sa GTV, ang Heartful Café. Kung hindi ako nagkakamali, 2018 pa ang huling serye ni Julie Anne, ang My Guitar Princess at nag-focus na siya sa pagkanta.

Nag-record siya ng ilang single niya at mas gusto naman daw niyang sa singing muna talaga mag-concentrate.

Pero iba rin ang umaarte kaya pumayag na siyang gumawa ng drama series na ibang-iba raw sa mga ginawa niya noon.

First time din niyang makatambal dito si David Licauco na ang buong akala ng production staff ay wala silang chemistry. Pero nagulat daw sila dahil may kilig ang dalawa at bagay sila.

May special participation sina Barbie Forteza at Jak Rober­to, pati sina Kate Valdez at Migo Adecer sa pilot episode nito.

Mark balik sa paghataw

Kahit napupuyat sa pag-alaga si Mark Herras kay baby Corky nila ni Nicole Donesa, ganado pa rin siya magtrabaho lalo na kung gustung-gusto niya ang ginagawa niya. Pagsasayaw pa rin talaga ang type na type niyang gawin kaya hahataw siya ngayon sa All-Out Sundays na kung saan kasama siya sa Cypher team nina  Rayver Cruz, Migo Adecer, Miguel Tanfelix, Mannex Manhattan, DJ Loonyo, Team Awesome members - Eunice & Daphny, at Glaiza de Castro.

Dito rin sa AOS ay curious kami sa pagbabalik ng The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin. May narinig kasi akong balak nitong may ipapaayos kaya tingnan natin kung natuloy ba ang pagpapaayos sa mukha niya.

Kaabang-abang din ang Tiktok’s This or That Challenge na pangungunahan nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, Ken Chan, Gabbi Garcia, at marami pa.

vuukle comment

JANNO GIBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with