^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, babae ang tinatagong baby!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bulong sa amin ng isang impormanteng taga-showbiz, “Babae ang anak nina ____(isang pamosong male personality) at ____(pangalan ng karelasyon ng kilalang-kilalang aktor).

“Maganda ang bata, may pinagmanahan. Letter M ang initial ng name ng anak nila, isinunod sa pangalan ng isang taong mahal na mahal ng male personality,” impormasyon ng aming impormante.

Lumalaki na ang bata pero hanggang ngayon, kahit ang relasyon ng kanyang mga magulang ay wala pang kumpirmasyon, hindi pa umaamin ang magkarelasyong personalidad.

‘Yun lang po muna.

Male personality ayaw tumigil sa trabaho kahit nakahiga na sa salapi

Sobrang yaman na pala ngayon ng isang male personality. Kahit pala hindi na siya magpagod at magpuyat ay puwedeng-puwede na siyang mabuhay nang paboloso dahil sa kayamanang meron siya ngayon.

Pero disiplinado ang lalaking personalidad, mahal na mahal niya ang kanyang propesyon, kaya kahit literal na siyang nakahiga sa salapi ay tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.

Kuwento ng aming source, “Marami na siyang nabibiling properties, inilalagay niya ‘yun sa pangalan ng mga anak niya. may mga nabili na siyang lupain sa probinsiyang pinanggalingan ng parents niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Nakaipon naman ang male personality mula sa kanyang pagsisikap, napakarami niyang proyekto sa isang network, hindi pa nga tapos ang isang serye ay meron na agad siyang sinisimulan uli.

Balik-chika ng aming source. Totoo namang napakasipag niya, very professional din siya, never siyang naging problema ng production. Hindi siya kailanman naging cause of delay.

“Kahit nga may matindi nang problemang dumarating sa pamilya niya, e, tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya. ‘Yun ang isa sa mga reasons kung bakit palagi siyang may project.

“Magaling na siyang umarte, napaka-professional pa niya. Pero kahit magtrabaho siya nang magtrabaho, kahit pa fifty years siyang magpagod, e, hindi niya makukuha ang kayamanang meron siya ngayon.

“Nagkaroon lang talaga ng napakagandang kapalaran ang male personality na galing sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. May nawala sa kanya na hanggang ngayon, e, iniiyakan niya pa rin.

“At sabi nga, kung saan siya nasaktan, du’n din siya bumangon. ‘Yun mismo ang nangyari sa male personality na super-yaman na ngayon.

“Puwede na siyang magpahinga sa pag-arte, sa pagpupuyat, sa pagpapagod. Kahit matulog at kumain na lang siya ngayon araw-araw, e, puwede na.

“Sigurado na ang kabuhayan showcase at future nila ng mga anak niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Derek, may malaking ‘galit’ kay Andrea?!

Parang alikabok lang na ipinapagpag nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mga tinatanggap nilang pamba-bash ngayon sa social media.

Parang wala lang. Mamamanhid ang mga daliri ng mga bashers sa pagpo-post ng kanilang mga negatibong komento pero parang balewala na lang ‘yun para kina Derek at Ellen.

Gagawin pa rin nila ang kanilang gusto kahit pa lumuwa na ang bituka ng mga kumokontra sa kanilang relasyong wala pang eksaktong label hanggang ngayon.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Siguro, ginagawa ‘yan ni Derek para lang pasakitan si Andrea (Torres). Meron siguro siyang galit sa girl na hindi niya mailabas-labas!”

Puwede. Hindi lang natin alam, pero meron nga sigurong bitbit na sama ng loob si Derek kay Andrea at sa pamilya ng dalaga na hindi niya maisigaw, kaya ganyan.

Walang label ang kanilang ipinakikita ni Ellen, magkaibigan lang ang pagpapakilala nila sa bawat isa, pero kung susumahin naman ay parang kasal na nga lang ang kulang sa mga ipinakikita nilang relasyon sa social media.

Nakakabahala lang dahil ilang beses nang ganyan ang ginagawa ni Ellen. Para itong makina ng sasakyan na mahusay lang sa arangkada pero sa rektahang takbo ay nawawala na.

Ang relasyon nila ni Baste Duterte, nu’ng Espanyol nitong boyfriend, ang relasyon lang nila ni John Lloyd Cruz ang nagtagal pero hiwalayan din naman ang kinahantungan.

Kung sinasabi ng iba na mapaglaro lang sa pakikipagrelasyon si Derek ay baka nakatagpo na siya ng mas magaling makipaglaro kesa sa kanya?

Pero malay naman natin, sa dinami-dami ng tao sa buong mundo ay bakit silang dalawa ang pinagtagpo, aksidente nga lang ba ‘yun o talagang sila ang pinagsalubong ng kapalaran para magmahalan?

vuukle comment

BABY

PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with