^

PSN Showbiz

Aktres kuntento na walang kayamanan, walang pinagsisisihan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakuwentuhan namin ang mga taong hanggang ngayon ay malapit pa rin sa isang sikat na babaeng personalidad. Sa pamamagitan nila ay maiisip mo lang, kakuwentuhan lang talaga ang nakapagpapaligaya sa tao, hindi kayamanan at katanyagan.

Napakasimpleng buhay ang meron siya ngayon na napakalaking pagkukumpara sa dating ikot ng kanyang buhay na paboloso, pinaiikutan ng mga tagahanga, magulo.

Kuwento ng aming kausap, “Wala kang maririnig na pagsisisi, hindi mo siya mari­ringgan ng panghihinayang, napakakuntento na niya sa buhay na meron siya ngayon.

“Alam n’yo bang kahit sa pagkain, e, hindi siya maluho? Isang pirasong galunggong lang na prito, saka sawsawang maanghang, panalo na sa kanya ‘yun!” unang kuwento ng aming kausap.

Saludo sa female personality ang kanyang mga kaibigan. Kahit sa pananamit ay wala siyang luho, kaya niyang bumili, pero masaya na siya sa mga dati niyang isinusuot.

Patuloy ng aming kakuwentuhan, “May mga nagsasabi na parang naghihirap na raw siya dahil ang mga damit niya, e, puro luma. Naku, kung alam lang nila na mas luma, e, ‘yun ang palagi niyang isinusuot!

“Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang comfort niya ang iniintindi niya. Maganda nga raw ang suot niya, e, kung kating-kati naman siya sa fabric, e, du’n na siya sa mga luma niyang damit!

“Dahil natikman na niya ang lahat, nagkaroon na siya ng lahat, e, napakadali niyang i-please ngayon. Simpleng bagay lang, happy na siya!

“Kahit ulam na binili lang sa kung saang karinderya, masaya na siya! Basta ang huwag lang mawawala, e, ang sawsawan niyang maanghang. ‘Yung makasaysayan niyang sili, buo na ang araw niya!

“Kahit sa shooting at taping, hindi siya pinoproblema ng production. Kung ano ang kinakain ng lahat, ‘yun din ang kinakain niya. Wala siyang special request na kung anu-anong food!

“Contentment and appreciation talaga ang nagpapasaya sa atin. Nakikita namin ‘yun sa kanya. Hindi siya mapaghanap, hindi siya mareklamo, kung ano ang nand’yan, happy na siya.

“Wala nga siyang kayamanan, pero happiness naman ang hinahanap natin, di ba? ‘Yun si ____(pangalan ng sikat na female personality), mawawala siya sa mundo na maligaya dahil kuntento na siya sa buhay niya.

“Hindi na siya umaasa sa himala. Basta, maligaya na siya sa kung anumang meron siya ngayon!” sumasaludong pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga pekeng bakuna, asin at tubig ang laman

Kailangan po nating magdobleng ingat sa mga ibinebentang pekeng bakuna na asin at tubig lang ang laman. Maraming Chinese nang namemeke ang hinuhuli-ikinukulong sa kanilang bansa dahil sa mga klase ng bakunang mura nga pero peke lang naman.

Maraming magsasamantala sa panahon ng pandemya, wala silang pakialam sa kung ano ang magiging negatibong epekto ng bakunang ibi­nebenta nila, ang tanging mahalaga para sa kanila ay ang kanilang bulsa.

Tumutok po tayo sa mga pambalitaang prog­rama, makinig tayo sa anunsiyo ng Department of Health, huwag tayong basta-basta maniniwala sa mga pekeng bakuna.

Tambalan nina Alden at Bea mas mabigat ang tema

Ilang araw nang hindi nagre-report sa Eat Bulaga si Alden Richards. Hula ng kanyang mga tagasuporta ay gumigiling na ang mga camera para sa pelikulang pinagtatambalan nila ni Bea Alonzo.

Inaabangan na ngayon pa lang ng ating mga kababayan ang A Moment To Remember, isang Korean movie na bibigyan ng panibagong atake nina Bea at Alden, kapana-panabik ang pelikulang ito.

Tapos na sina Alden at Bea sa look test, ilang ulit na rin silang dumalo para sa story conference, ngayon ay nagwo-workshop na sila kay Nonie Buencamino dahil mapaghamon ang mga papel na gagampanan nila.

Isang napakagandang relasyon at masayang pagmamahalan na inatake nang matinding problema dahil nagkaroon ng Alzheimer’s disease ang babae. Ngayon pa lang ay nakikinita na namin kung paano aatakehin nina Alden at Bea ang kanilang pag-arte.

Mas mabigat ang tema ng pelikulang ito kumpa­ra sa ginawa nina Alden at Kathryn Bernardo na namiruya nang bilyon sa takilya. Nakakalungkot lang na natiyempo sa pandemya ang pelikula nina Alden at Bea, napakalaki ng epekto nu’n, pero malay naman natin kung balik-normal na ang ating buhay sa pagpapalabas ng kanilang proyekto.

Harinawang ganu’n nga ang mangyari, bukas na sana ang mga sinehan sa panahon ng pagpapalabas ng A Moment To Remember, para mas malawakang mapanood ng ating mga kababayan dito at sa iba-ibang bansa man.

vuukle comment

ALDEN

BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with