^

PSN Showbiz

Jayda, dinirek ang sariling music video

Pilipino Star Ngayon
Jayda, dinirek ang sariling music video
Jayda at Rhys

MANILA, Philippines — Idinaan ni Jayda sa isang awitin ang kanyang mga katanungan sa pag-ibig sa pinakabagong single na Paano Kung Naging Tayo? na handog niya ngayong Buwan ng mga Puso.

Ito ang unang awiting Filipino na iprinodyus ni Jayda at isinulat niya kasama ang ama na si Dingdong Avanzado. Ayon sa young singer, nabuo niya ang konsepto ng kanta matapos makita sa social media ang isang post na nag-kwento ng kanyang ‘what ifs’ sa taong minamahal. 

“It moved me and it was something that resonated with me enough that I and my dad, my co-writer on this track, finished the whole thing in 24 hours,” kwento ni Jayda kaya naman ibinuhos niya ang emosyon sa bagong single mula sa Star Music para sa mga taong nagdadalamhati at iniisip ang mga posibilidad kung sakaling naging sila ng taong laman ng kanilang puso’t isipan.   

 May karagdagang handog din si Jayda ngayong Feb-ibig dahil saktong Valentine’s Day (Pebrero 14) inilabas ang music video ng kanyang bagong single na siya mismo ang nagdirek bilang una niyang pagsabak sa directing.

Tampok rin sa inaabangang MV ang dating Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Rhys Miguel bilang kanyang leading man.  

 Napapakinggan na ang Paano Kung Naging Tayo? sa iba’t ibang digital platforms.

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with