^

PSN Showbiz

Georgina may baby number 3 na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Georgina may baby number 3 na!
Georgina

Tatlo sa mga kaibigan ni Raymond Gutierrez ang buntis ngayon.

Ang magpinsang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson, pati ang fashion stylist na si Liz Uy.

Kahapon ay nag-post si Georgina na in six weeks ay darating na ang kanyang baby #3.

Birthday rin kahapon ni Georgina.

Bago pa inamin ng tatlo sa kanilang social media accounts ang tungkol sa kanilang pagbubuntis, alam na ‘yon ni Raymond.

Pero siyempre, quiet din si Raymond dahil alam niyang that time ay hindi pa inaamin ng kanyang mga kaibigan ang tungkol doon.

In fairness to him, kahit sa mga tsikahan namin kapag nagkakasama kami sa family bonding nila sa bahay nila sa White Plains, Quezon City, never ikinuwento ni Raymond ang pagbubuntis ng kanyang mga kaibigan.

Siyempre, ayaw ni Raymond na i-preempt ang pag-a-announce ng mga ito tungkol sa interesting stage sa kanilang mga buhay!

Pero siyempre, if Raymond can keep a secret, may iba naman na sobra ang kadaldalan.

Dahil sa isang madaldal na aktres kaya sumabit ang isang aktres na umalis sa kanyang mother TV network at sinasabing hindi na nga raw makakabalik sa istasyon na ‘yon.

So kung may secret, mamimili ng pagsasabihan, right, Ateng Salve?!

Jerome at Teejay, pumatok ang loveteam

Nakakatuwa si Jerome Ponce na co-manage ng kaibigan kong fashion designer na si Avel Bacudio.

Kahit nagka-pandemic, bumongga pa rin ang career ni Jerome.

Actually, ang bongga ng “loveteam” nila ni Teejay Marquez sa Ben X Jim na ang book one ay ipinalabas sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc.

May book two na sila na nag-pilot kahapon sa UpStream.ph at may bayad na P200 para sa eight episodes.

Bale weekly raw mapapanood ang bawat episode ng Ben X Jim book two.

Sabi ng isang nakatsikahan ko, ok ang virtual tickets sales sa UpStream.ph, pero inaasa­han nila na mas marami pa ang bibili dahil nga maganda ang feedback sa first episode nito.

Mukhang love talaga ng Regal Entertainment, Inc. si Jerome dahil bida rin siya sa Gen Z series na sinasabing ipapalabas sa TV5.

At least, wala man ngayon sa ABS-CBN si Jerome, hindi naman siya nababakante at sunud-sunod pa rin ang kanyang projects.

Sabi nga pala ni Avel, sinusuwerte si Jerome dahil mabait na talent daw ito.

Ang bongga! ‘Yun na!

 

vuukle comment

GEORGINA WILSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with