^

PSN Showbiz

Marian solid sa pamilya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian solid sa pamilya!
Marian
STAR/ File

Meron na naman Zoom presscon si Marian Rivera. Bongga siya dahil nga nagagawa niya ang trabaho sa bahay lang at hindi niya kailangang iwan sina Zia at Ziggy.

Iyon Tadhana lang ang TV show niya dahil nga breast feeding pa rin siya hanggang ngayon kay Ziggy.

Talagang buhay may asawa at maging mother ang goal niya, at suwerte naman na kahit ganun meron pa rin nasisingit na trabaho para sa kanya.

Talagang lahat ng factor ng good wife and mother gagawin ni Marian dahil priority niya talaga ang pagiging Mrs. Dingdong Dantes before anything else.

Isang patunay talaga na pag gusto mo, magagawa mo.

Just like Andi Eigenman na ginusto ang simpleng buhay sa Siargao, ­maging ina at asawa ang priority, nagawa rin ­maging maligaya sa simpleng kapaligiran, away from the glitter.

Now kung may trabaho ok lang, pero back to Siargao after, iyan ang sinusunod na buhay ni Andi.

Sabi nga, happiness is a choice. At hindi ba, strong women never regret their choice dahil happy sila, at dahil sa happiness na nadarama nila, lahat nagiging maayos.

Look at the eyes of Marian and Andi, full of happiness, no regrets.

Love month, iba na rin ang selebrasyon

Love month na Salve kaya marami ang nakapansin sa post mo na mga heart shape cakes.

Sure ako iyon mga online business ng food lalo na  cakes at pastries maraming order iyan para sa delivery para sa Valentine.

Tignan mo nga Salve na pati si Avec Amarillo napansin iyon heart shape tin box na chocolate cake / dessert at mukhang kopyahin niya para sa Coffee Project, hah hah hah.

Basta sa Coffee Project walang tatalo sa baked camote na very healthy at talagang napakasarap.

Now na hindi na gaanong lumalabas mga tao, sure ako lahat online na lang order ng food para sa kanilang dinner date sa Valentine.

At si Kris Aquino, beach front house for 6 months ang gift sa sarili niya, bongga siya.  Away from the crowd, sa gitna ng dagat ang celebration nila ni Bimby.

Bongga ang love month ng pande­mic, talagang ibang  iba.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with