^

PSN Showbiz

Bossing Vic, dapat tularan ni Jomari

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bossing Vic, dapat tularan ni Jomari

Ang suwerte naman ni Bossing Vic Sotto. May anak siyang Mayor, si Vico, may anak siyang painter, si Paulina, maganda ang buhay nila Danica at Oyoboy kapiling ang kani-kanilang pamilya, at lumalaking very intelligent at bibo si Talitha.

Para bang naging maayos lahat ng anak ni Vic dahil na rin siguro nakita ang pagiging mabuti niyang ama sa kanila kahit pa nga ba hindi naging ideal ang relasyon niya sa mga mother nila na sina Dina Bonnevie, Coney Reyes at Angela Luz, naging friendly at walang bad blood sa mga ito si Vic.

Isang magandang halimbawa ang handling ni Vic sa naging sitwasyon niya sa buhay, kaya ngayon look at his kids, lahat ipagmamalaki mo.

Dapat gayahin ng mga ama na may pinagdaanan ding ganitong sitwasyon sa buhay ang mga ginawa ni Vic para ma-maintain ang respeto at pagmamahal ng mga anak.

Hindi dapat ginagawang emotional blackmail ang mga bata pag naghiwalay ang mag-asawa, kasi in the end, magulang pa rin nila ang mga ito.

At siya dapat ang gawing halimbawa nila Jomari Yllana at ex niya, iyon mga problema dapat pag-usapan ng more mature at hindi masyadong emotio­nal. Para sa paglaki ng mga anak nila, maging tulad nila Mayor Vico, Paulina, Oyoboy at Danica, close sa parents nila, na parang walang naging problema.

Mga puso, luhaan sa Valentine

February na halos. Valentine na naman, isang okasyon na sana puno ang mga sinehan, resto at beauty parlors.  Mga okasyon na dapat maraming tao, na ngayon ay halos dumaraan na lang.

Birth month din ni Kris Aquino ang Pebrero, pero tulad ng dati tahimik lang na celebration para kay Kris.

Araw ng mga puso, sana naman maging hudyat ito na patungo na tayo sa pagtatapos ng pandemic.

Bagama’t medyo feel mo na rin talaga na mukhang magtatagal pa ito dahil wala pa tayong nakikita na pagbabago sa mga nangyayari ngayon. Sabi nga, kahit anong tibay natin, ‘pag tumagal pa ito baka hindi na rin natin makaya, kaya please, sana naman ayos na by March na isang taon na mula nang mag-start ang quarantine.

Kaloka, crying heart sa Valentine, dahil diyan kay covid-19.

vuukle comment

SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with