^

PSN Showbiz

Abogado ni Nadine, nagsalita sa kanilang laban sa Viva

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Abogado ni Nadine, nagsalita sa kanilang laban sa Viva
Atty. Lorna Kapunan
STAR/ File

Nakatakda na uli ang hearing ng kaso ni Nadine Lustre sa Viva Artists Agency, Inc. sa January 26 at February 16. Ito na raw ang bagong schedule ng hearing nila sa Prosecution sa Quezon City dahil hindi raw natuloy ang unang schedule. “Binigyan ng pagkakataon si Nadine na mag-file ng opposition, because humihingi sila ng Injunction at saka attachment dahil daw sa mga kontrata na Nadine alledgedly entered into ano...

“Pero marami kaming gustong sabihin at sasabihin namin sa Opposition namin because number 1, eh yung contract with Viva is really an agency agreement ano?  Alam naman natin na ‘pag agency ‘yan puwedeng i-terminate ng principal at all times. Kasi ang daming pagkakamaling ginawa ng Viva kay Nadine.

“Although, sinasabi ng Viva na the future of Nadine and her reputation in the industry was all because of them. Ipakita namin na hindi ‘yan totoo,” pahayag ng legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan nang naka­tsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi.

Ayon kay Atty. Kapunan ang Viva ang may nilabag sa kontrata at hindi si Nadine. “The contract is really oppressive no? She entered when she was 15 years old and extend sila nang extend without explaining to Nadine hanggang 2029 ang kontrata niya.

“Ang sinasabi ng Viva na may valid contract sila, which is not correct. The contract was terminated in October. At si Nadine ay self-managed na ‘yan ano? Lahat ng mga kontrata niya, ang mga commercial na ginawa niya ay siya ang nagpundar niyan ano?

“Viva had nothing to do with it at hindi naman tama na hihingi sila ng 40 percent…gumawa naman sila ng effort,” dagdag niyang pahayag.

Ngayon lang daw nangyari na may artista ng Viva na nagsalita sa hindi umano tamang kontrata ng Viva. “Hindi lang ngayon ‘yan ano? Matagal nang ginagawa ‘yan ng Viva. Hindi lang kay Nadine, sa lahat na mga nakontrata ng Viva.

“Iyon ang gusto naming ipakita na siguro nag­rereklamo ang Viva ngayon kasi ngayon lang may nagsalita to question. Si Nadine lang ang first na nag-question ng kontrata ng Viva.

“We will show how wronged that contract is and how oppressive ang ginagawa ng Viva ‘no? Hindi lang kay Nadine kundi sa iba pang talents ng Viva. Ang problema kasi sinasabi nila may kontrata pa, eh wala nang kontrata. But even there is a contract, arbitration ang nakalagay sa kontrata,” patuloy na paliwanag ni Atty. Kapunan.

Dagdag pa niyang pahayag; “Dapat kung may dispute ang parties..ang Viva may reklamo kay Nadine, pumunta sila sa arbitration. Ang ginawa ng Viva ay dumeretso sa korte. Hindi naman sila nagbigay ng notice kay Nadine na gusto nila mag-arbitrate.”

Dito ipinaliwanag ni Atty. Kapunan kung ano dapat ang proseso kung idadaan sa arbitration. “’Pag arbitration ang procedure ay ganito; ang Viva ay mag-appoint ng isang arbiter, and Nadine ay mag-appoint ng isang arbiter at silang dalawa ay magpi-pick ng third arbiter.

“So, ang magdi-decide ng dispute ng problema  ng parties, ang Viva at ni Nadine ay itong arbitration. ‘Yung tatlong arbiters ang mag-decide kung sino ang tama at sino ang mali. Ang ginawa ng Viva, eh sinasabi nila may kontrata, hindi naman nila sinusunod ang kontrata.Dumiretso sila sa korte at ngayon ay humihingi sila ng injunction.”

Ang dagdag pang isyu rito ayon kay Atty. Kapunan, tinatawagan pa raw ng Viva ang ilang nakatrabaho ni Nadine at sinasabihang maaaring madamay sila sa kaso. “Tinatakot pa ng Viva ang lahat ng kausap ni Nadine. Sinasabi nila na kakasuhan daw nila. Eh ‘di sila ang nag-interfere no? Ang tawag diyan sa batas ay third party interference. Kung nag-interfere sila sa kontrata ni Nadine, may kasalanan sila. They’re reliable for that. Ang problema diyan, sinasabi ng Viva ay sila ang damaged. Sila ang kawawa.

“Pero ang kawawa dito ay si Nadine because Nadine is entitled to self-managed. Self-managed na siya ngayon. Ang ginagawa ng Viva ay tinatawagan, tini-threaten ang lahat ng mga nakakontrata ni Nadine at kakasuhan daw sila. Eh, hindi naman yata tama ‘yan.

“Kinu-contact sila at sinasabi na kung ano man ‘yung mapupunta kay Nadine ay bibigyan sila dapat ng 40 percent, maski wala naman silang ginawa,” sabi pa ni Atty. Kapunan.

Okay naman daw ngayon si Nadine, at nakahanda raw itong harapin ang problema niya sa kanyang management group. “Nadine is doing well because matatag ang loob niya, tama ‘yung ginagawa niya. At tinutuloy niya kung ano ang ginagawa niya. Kung meron man siyang kontrata sa Viva…meron siyang mga natirang few contracts that Viva started, tinutuloy naman niya. Just to show na in good faith siya. Ang bad faith dito ang Viva,” pahayag pa ni Atty. Kapunan.

Sabi pa niya; “Nadine is very bright, smart. Alam niya ang tama at alam niya ang mali. Dito ay matatag ang loob niya na tama ang ginagawa niya, hindi lang para sa mga artista na kagaya niya. Tama na. Tama na ang pang-aapi na ginagawa nila. At panahon na makita na hindi tama ang ginagawa nila na wala naman silang effort…sinasabi nila na ang dami nilang effort. Ang kapal ng complains nila pero napatunayan namin na wala naman sila masyadong ginagawa.”

Alden at Rabiya, hahataw sa All-Out...

Nakikita namin sa TikTok ang ilang post ni Mark Herras na may pasabog siyang dance steps kasama sina Rochelle Pangilinan at Rayver Cruz. Mapapanood na ito sa All-Out Sundays sa darating na Linggo.

Kinaaliwan na ang dance numbers nila pati ang birit-biritan, kaya dito na nila iwi-welcome ang dagdag na bibirit na ang The Clash champion Jessica Villarubin. Magkakaroon si Jessica ng back-to- back performance with The Clash season one champion na si Golden Cañedo at ang season 2 champion na si Jeremiah Tiangco.

Bukod pa riyan ay kaabang-abang din sa Linggo ang birthday treat kay Alden Richards kasama ang Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kung saan ihahataw ni Alden ang latest single niyang Goin’ Crazy. Consistent na mataas ang rating ng All-Out Sundays at inaasahang tuluy-tuloy na ito sa 2021.

vuukle comment

VIVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with