^

PSN Showbiz

Female personality na palaban, walang masyadong naging kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kamalditahan din ang isa mga dahilang itinuturo ng mga nagtataka kung bakit kinailangang lumundag sa ibang bakuran ang isang magandang personality.

Maganda siya, mahusay namang umarte, pero bakit nagkaganu’n ang kanyang kapalaran sa network na pinagseserbisyuhan niya?

Kuwento ng isang source, “’Yun ang kuwentong pinag-uusapan nang pabulong ngayon sa network, may kamalditahan ang girl, mahirap siyang pakisamahan.

“May sariling mundo raw siya, mahirap ispilengin ang attitude, kaya wala siyang masyadong kaibigan sa network niya. Ganu’n daw!” unang kuwento ng aming impormante.

Maraming nakakaalam na konserbatibo ang istasyon pagdating sa mga isyung pampulitika. Hindi aktibo ang kanilang mga artista sa pakikisawsaw sa mga usapin na wala namang koneksiyon sa kanilang trabaho.

Patuloy ng aming source, “Isa pa ‘yun! Sobrang vocal ang girl, post siya nang post ng kung ano ang nararamdaman niya! Wala namang masama sa ganu’n, kaya lang, hindi ‘yun kinukunsinti ng network!

“Alam n’yo naman ang nangyari nu’n, di ba? Mismong ka-network niyang personality, e, pinaringgan niya sa post niya nu’ng malaman niyang babalik na uli sa istasyon nila!

“Maraming pumuna sa kanya, wala siyang sinasanto! Mismong kasamahan niyang artista, e, binabangga niya! Ganu’n siya, kaya puwedeng isa nga ‘yun sa mga dahilan kung bakit nagkaganyan siya sa network niya!” madiing pahayag pa ng aming impormante.

Matinding desisyon ang gagawin ng magandang female personality, panibagong bakuran at kapaligiran ang lulundagan niya, ano nga kaya ang kahihinatnan ng kanyang karera?

“Suntok sa buwan ito, subaybayan na lang natin kung may mina ba ng ginto siyang mahuhukay sa paglundag niya. dalawang bagay kasi ang ganyan, e!

“Puwedeng mas sariwa ang damo sa lilipatan niya, pero puwede rin namang hindi! Sa dami ng magiging kakumpetensiya niya sa bakurang ‘yun, e, good luck na lang sa kanya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jeric ‘ di pa magiging tatay Sheryl, niregla habang nasa taping!

Mabilis kumalat sa pamamagitan ng isang blind item ang kuwentong nagdadalantao ngayon ang isang female personality na hindi na kabataan ang edad.

Ang diumano’y ama ng kanyang dinadala ay ang hunk actor na kasama niya sa isang serye. Sa dalas ng kanilang pagsasama sa set ay may nabuo raw na pagmamahalan sa pagitan nila.

Tinanggalan ng talukbong kung sino ang diumano’y nagdadalantaong babae. Si Sheryl Cruz pala ang tinutukoy, ang ama raw ng kanyang dinadala ay binhi ng hunk actor na si Jeric Gonzales, kasamahan niya sa serye ng GMA 7.

May mga nagdalawang-isip agad tungkol sa kuwento, sabi ng isang nagkomento, “Naku, ha? Kuwarenta’y otso na si Sheryl, puwede pa ba siyang magbuntis?”

Pero pinabulaanan ng aktres ang kuwento, paano raw siya magdadalantao, samantalang sa ikalawang linggo ng lock-in shoot nila ay dumating ang kanyang buwanang dalaw?

Mulat naman tayo na kapag may regla ang babae, ibig sabihi’y ligtas siya sa bintang ng pagdadalantao, tulad ng ibinigay na dahilan ni Sheryl.

‘Yun lang ang kanyang nilinaw pero ang tanong tungkol sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Jeric Gonzales ay hindi niya pinakahabaan ang paliwanag.

Okey lang daw naman sila, meron daw mga grupong nagmamahal sa kanila, maraming bumoboto sa pagiging close nila.

Tanong sa amin ni Tita Dolor Guevarra, sino ba ‘yung Jeric Gonzales na sinasabing ama raw ng dinadala ni Sheryl, kilala raw ba namin ito?

Naputol ang linya sa pag-uusap namin ni Tita Dolor, hindi tuloy namin nasagot sa kanya nang punto por punto kung ano ang pagkakakilala namin kay Jeric, hindi basta-basta tsismis lang ‘yun kundi meron talaga kaming alam.

Magdenay man sila ni Sheryl tungkol sa relasyon nila ngayon ay hindi namin ‘yun paniniwalaan. Nu’ng nakaraang taon pa ang kanilang pagkakamabutihan.

Hindi nila ‘yun puwedeng ikaila, may mga taong hindi nila makakayang paikutin, dahil hiniwalayan si Jeric Gonzales ng dati nitong karelasyon dahil kay Sheryl.

Sa totoo lang!

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with